Nagbubunyi ngayon ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa wakas ay nasilayan na nila ang dalawa na magkasama.
Ito’y matapos kumalat ang balitang nagwakas na umano ang relasyon nina Daniel at Kathryn nang mapag-usapan ito sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz noong November 8, 2023.
Nadawit pa rito ang pangalan ni Andrea Brillantes, na ayon kay Ogie ay nali-link kay Daniel at pasikreto pa umanong nagkikita ang dalawa.
Nitong Martes, November 14, tila binasag na nina Daniel at Kathryn ang hinala sa kanilang relasyon nang maispatan silang magkasama sa event ng isang luxury watch brand.
Mismong si Kathryn pa ang nag-repost sa kanyang Instagram Stories ng ilang litrato nila ni Daniel kasama ang ilang kaibigan.
Bukod sa dalawa, makikita rin sa mga litrato ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez, fashion stylist na si Pam Quiñones, at fashion editor Danyl Geneciran.
Hindi kaila na ikinatuwa ito ng kanilang fans.
Tweet ng isang netizen (published as is), “KATHNIEL ALWAYS BEATING THE BREAK UP ALLEGATIONS.”
Saad ng isa, “KathNiel; The Unbreakable.”
Sabi pa ng isa, “Grabe kayo, KathNiel! Palibhasa kasi, alam na alam kung paano kami kunin, e! Isang update, isang piksyur, isang bidyo. Wala! Umiikot na ulit ang mundo namin!”
May isang anggulo pa sa video na makikitang hinalikan ni Daniel ang kamay ni Kathryn na mas lalong nagpakilig sa kanilang fans.
Daniel shows support to Kathryn
Noong November 10, pasimple nang pinabulaanan ni Daniel ang kumakalat na espekulasyon sa kanila ni Kathryn nang ibahagi niya sa kanyang Instagram Story ang video ng nobya sa Preview—kung saan ang aktres ang online cover ngayong buwan.
Sa video na in-upload ng Preview sa Instagram, makikita si Kathryn na inaayusan.
Makikita ring ni-like ito ni Daniel bago niya ilagay sa kanyang Instagram Story.
Dito ay nilagyan niya ng animated photo ng pusa, na katunog sa palayaw ni Kathryn na “Kath.”
OGIE DIAZ DENIES starting KathNiel breakup rumorS INVOLVING ANDREA
Noong November 12 naman ay ipinagtanggol ni Ogie ang sarili sa mga patuloy na bumabatikos at tumatawag sa kanyang “fake news peddler.”
Sa kanyang vlog, ipinaliwanag niyang hindi sa kanya unang nanggaling ang tsismis.
Galing daw ito sa isang source na ayaw magpapangalan.
Malinaw rin daw na sinabi niya noong hindi pa kumpirmado ang tsismis na hiwalay na ang dalawang Kapamilya stars kaya hindi niya malaman kung bakit siya bina-bash ngayon.
Diin ni Ogie, “Ang kinakalat namin ay sana hindi totoo at laging may ‘hindi pa ito confirmed.’
“Ito naman, yung issue dito [sa KathNiel], ayan yung mga kumakalat at bali-balita. Hindi naman sa akin unang nagsimula yan.
“May mga pagkakataon na sa more than three decades ko rito sa industriya, mayroon na akong ‘source kita, sabi mo i-quote kita. Nung kinowt kita, ang nakakaloka dinenay mo.’
“Kaya kung pipilitin niyo kaming ilabas yung resibo, e, siyempre ipapaalam muna namin sa source yon.”
News
Coco Martin Shares His Reaction To Ivana Alawi’s Exit From Batang Quiapo
In an interview, Coco Martin was sad that Ivana Alawi had to leave his show. Ivana Alawi officially leaves “FPJ’s Batang Quiapo” and actor-director Coco Martin has this reaction. The chemistry of Bubble and Tanggol was loved by many in…
Breaking News: KathNiel’s Alleged Split Shakes Showbiz – Fermin Claims Estrada’s Confirmation!
Rumors of a split between one of the Philippines’ most adored showbiz couples, Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, known collectively as KathNiel, have taken the entertainment world by storm. Cristy Fermin, a prominent personality in the Philippine entertainment industry, has…
Julia Montes Finally Breaks Silence: Is She Really Engaged to Coco Martin?
Julia Montes is the latest star to take on the challenging “Talk or Dare” segment of “Fast Talk with Boy Abunda!” On Thursday, Tito Boy said that Julia was spotted wearing a ring during the ABS-CBN Ball, which was also…
‘Walang katotohanan’: Karla Estrada denies Daniel Padilla, Kathryn Bernardo breakup rumors
MANILA, Philippines — Actress Karla Estrada denied rumors that her son Daniel Padilla and his girlfriend Kathryn Bernardo are now separated. In her Instagram account, a fan of the love team known as KathNiel commented on Karla’s post seeking clarification…
Coco Martin, singsing ang naisip ibigay kay Julia Montes ngayong Valentine’s Day
MAYNILA — Isang araw bago ang Araw ng mga Puso, nagbigay kilig ang aktor na si Coco Martin sa pagsabing singsing ang maari niyang iregalo sa napapabalitang nobya na si Julia Montes. Sa naging pagbisita ni Martin sa programang “Sakto”…
Julia shares her greatest realizations, why she considers Coco as her “answered prayer”
In more than two decades that she’s been in the entertainment industry, Julia Montes, or Mara Hautea Schnittka in real life, has astonishingly managed to thrive and create her mark ever since she started as a child star. The progress…
End of content
No more pages to load