MAYNILA — Ipinakilala na ng “FPJ’s Batang Quiapo” ang papel na gagampanan ng street food sensation na si Diwata.

Ayon sa social media post ng Dreamscape Entertainment, bibigyang papel ni Diwata ang karakter ni Frida.

“Anong dalang hiwaga ng pares ni Frida? Abangan mamaya sa FPJ’s Batang Quiapo,” patikim ng post ng Dreamscape sa social media.

Isa si Diwata o Deo Balbuena sa mga bagong karakter na naimbitahan ng aktor at direktor na si Coco Martin para maging bahagi ng numero unong Kapamilya primetime series.

Mapapanood ang simula April 12 ang paghaharap ni Tangol at Frida sa “FPJ’s Batang Quiapo” gabi-gabi, 8PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, at TV5! Mapapanood rin sa iWantTFC at TFC.