Ion Perez’s message to Vice Ganda on It’s Showtime host’s 46th birthday: “Ang maipapangako ko lang, yung buong pusong pagmamahal ko sa ‘yo at tapat. Yun lang, babe.Thank you, babe, I love you.”
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
Nagdiwang si Vice ng kanyang 46th birthday sa It’s Showtime ngayong Huwebes ng tanghali, March 31, 2022.
Si Ion ang pinakahuli sa mga co-host ng noontime program ng Kapamilya Channel na nagbigay ng birthday message kay Vice.
Hindi naman naitago ni Vice ang nararamdamang kaligayahan na bakas sa kanyang mukha habang nagsasalita ang lalakeng pinakasalan niya sa Las Vegas noong October 2021.
Read: Vice Ganda reveals Las Vegas wedding with Ion Perez last year
Mensahe ni Ion para kay Vice: “Sa aking best friend, lover, partner…
“Araw-araw naman niyang naririnig [mula] sa akin ito kasi sa tuwing magdarasal kami, lagi kong ipinagdarasal talaga na bigyan pa kami ng mahabang panahon para magsama.
“At siguro, ang masasabi ko sa ‘yo, babe, paulit-ulit kitang pipiliin. Kahit sa kabilang-buhay, baka ikaw yung piliin ko pa rin.
“Ang maipapangako ko lang, yung buong pusong pagmamahal ko sa ‘yo at tapat.
“Yun lang, babe.Thank you, babe, I love you.”
Sinagot din siya ni Vice ng “I love you” habang kilig na kilig na nakikinig ang mga kasamahan nila sa It’s Showtime.
Hinalikan ni Ion si Vice pagkatapos ng kanyang birthday message, pero hindi ito nakunan ng TV cameras.
Hindi rin pinagbigyan ng dalawa ang pangungulit ni Kim Chiu na “Isa pa, isa pa!” o muli nilang halikan ang isa’t isa.
Kagabi, March 30, isang surprise birthday asalto ang inihanda ng It’s Showtime hosts para kay Vice, na dali-daling umuwi ng bahay mula sa Makati City dahil sa “prank cellphone call” na natanggap niya na naaksidente si Ion.
Nagtagumpay ang It’s Showtime hosts sa kanilang ginawa dahil nasorpresa nang husto si Vice nang umuwi ito at madatnan sa bahay niya sa Quezon City ang lahat ng mga taong malapit sa kanyang puso.