Sanya Lopez interesado kay Joshua Garcia

Bet ni Sanya Lopez na makilala nang personal si Joshua Garcia.

Interesado si Sanya Lopez na makilala si Joshua Garcia.

Nang sumalang nitong Huwebes sa ‘Fast Talk With Boy Abunda, dalawang beses pinili ni Sanya si Joshua.

Sa segment ng ‘Pick and Talk’ pinapili ni Tito Boy si Sanya sa mga larawan nina Alden Richards at Joshua. Pinili ni Sanya si Joshua.

Sanya Lopez, pinili si Joshua Garcia over Ken Chan? | GMA Entertainment

Sinabi ni Sanya na una niyang nakita si Joshua sa isang mall at nilapitan siya ng aktor para hilingin na magpa-picture ang kanyang pamilya.

“Siya ‘yung lumapit sa akin para sabihin niya sa akin na, ‘Pwede bang magpa-picture ‘yung family ko? Sabi ko, ‘Oo naman, ‘no?!’ Parang ako pa ‘yung nahiya sa kanya,” kuwento ni Sanya

“So ‘yun pa lang, parang feeling ko, magiging okey kami pag magkasama.”

Sumunod na pinapili ni Tito Boy si Sanya sa mga larawan nina Ken Chan at David Licauco at pinili nito si Ken dahil kaibigan niya ito.

Sanya Lopez, nais na makilala si Joshua Garcia | Balitambayan

Nang papiliin naman si Sanya kung si Ken o si Joshua, pinili ng aktres si Joshua.

“Sige, si Joshua po. Sorry, Ken,” sey ni Sanya dahil marami na aniya siyang alam kay Ken.

“Unlike kay Joshua, gusto ko siyang makilala. Pa’no ba siya sa tunay na buhay. ‘Yung bilang tao, hindi bilang artista,” pahayag pa ni Sanya.

Itinuturing ni Sanya na “very mysterious guy” si Joshua at napakahusay na artista kaya gusto niyang makatrabaho ang aktor in the future.