Kylie at Aljur, nasa healing process na!

Kylie at Aljur, nasa healing process na!

Kylie at Aljur, nasa healing process na!

Magkasamang um-attend ang dating mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa school event ng mga anak nilang sina Axl at Alas.

Ipinost ng anak ni Sen. Robin Padilla ang video nilang mag-iina na may caption na “Always proud of you boys” kung saan naka-tag ang ex niyang aktor.

Habang sa kanyang Instagram Story naman ay sinabi niyang “I urge their dad to be present for their performances for precisely this moment.

“Hearts are healing.”

Mukhang pakonti-konti ay nagkakaayos na ang dating magkarelasyon.

Maaalalang tila nagpatutsada si Kylie kay Aljur noong mag-file ito ng certificate of candidacy.

At least bongga, pagdating sa anak nila, magkasundo sila kahit may kanya-kanya na silang buhay sa kasalukuyan.

Max at Pancho, divorced na!

Kinumpirma ng aktres na si Max Collins na divorced na sila ng ex-husband na si Pancho Magno.

Ibinahagi nito na pinroseso na ang divorce papers nila noong October sa US. “We’re legally separated na. Yes, we are already (divorced),” sey ni Max.

Maaalalang nagkaroon ng ispekulasyon ang netizens na mukhang nagkabalikan na raw ang dating mag-asawa dahil sa closeness nila at madalas na pagkokomento sa post ng isa’t isa na tila naglalandian daw online.

Pero sinagot naman na ito ni Pancho at sinabing close lang daw talaga sila.

Marami ang nanghinayang pero napuri sila na walang siraang nangyari sa kanila at tahimik na naghiwalay, at co-parenting na lamang sa anak nilang si Skye.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News