Tila hanggang ngayon ay nanantiling palaisipan sa publiko ang unti-unti nang pagiging bukas sa espesyal na relasyon nina Kyline Alcantara at Kobe Paras.

PINOY Showbiz Latest - Benjie Paras boto kay Kyline Alcantara para kay Kobe!  Benjie Paras walang problema kung sino man ang karelasyon ng anak na si Kobe.  Sa kanyang post ay sinabi

Matatandaan kasi na nakitang magkasama ang dalawa sa GMA Gala 2024 noong Sabado (July 20,2024) ay muli ulot silang nakitang magkasama nito lamang Biyernes (July 26. 2024).

Ito’y matapos makita umano ang video na viral ngayon sa social media kung saan ay magkasama si Kyline at Kobe na magka-holding hands habang naglalakad papasok sa isang establisyemento.

Kyline Alcantara at Kobe Paras, muling nakitang magkasama sa isang  establishment kasama ang pamilya ni Kobe - Bombo Radyo Dagupan

Ilang minuto lamang ay sumunod naman ang ama ni Kobe na si Benjie Paras at ang nakatatanda nitong kapatid na si Andre Paras, kasama rin ang non-showbiz girlfriend na si Honey Escarez.

Bagama’t hindi tiyak kung ano na nga ba ang relasyon ng dalawa, marami namang mga fans ni Kyline ang natuwa at kinilig dahil sa wakas anila ay ipinakilala na ni Kobe sa kanyang pamilya ang actress.