Andrea Torres on alleged issue with Marian Rivera: “Okey ako sa kanya. Okey rin naman siya sa akin. Nagkaka-text kami minsan and, I’m sure, wala. Super happy sila, busy rin siya ngayon sa baby. At saka, parang napakaimposible niyang mangyari, kasi ang taas ng respect ko kay Ate Yan.”

Nilinaw ni Andrea Torres ang lumabas na balitang kinausap diumano siya ni Marian Rivera kaugnay ng pagiging leading lady niya ni Dingdong Dantes sa Kapuso primetime series na Alyas Robin Hood.

Ayon kay Andrea, totoong dumalaw sa taping nila si Marian ngunit wala raw siya noon kaya hindi sila nagkausap.

“Dumalaw nga siya, pero late call ako kaya hindi kami nagkita.

“Noong dumating ako, wala na, umuwi na sila, kasi kasama nila ang baby. Kasi mga late na yata yun.

“Hindi po kami nagkita sa set.

“Pagdating ko lang, nabalitaan ko lang sa staff.

“Na yung baby nga raw, ang talino, ganyan.”

Ang tinutukoy ni Andrea na “baby” ay ang anak nina Marian at Dingdong na si Zia.

Nilinaw ni Andrea na walang isyu sa kanila ni Marian dahil sa pagiging leading lady niya sa mister ng Kapuso Primetime Queen.

Saad niya, “Ako po, wala akong ano kay Ate.

“Okey ako sa kanya. Okey rin naman siya sa akin.

“Nagkaka-text kami minsan and, I’m sure, wala.

“Super happy sila, busy rin siya ngayon sa baby.

“At saka, parang napakaimposible niyang mangyari, kasi ang taas ng respect ko kay Ate Yan.

“Kahit yung sa FHM, di ba, nagsabi pa siya sa mga fans na, ‘Ay, huwag na lang ako, si Andrea na lang.’

“So, sobrang imposible talaga na magka-friction between us at pareho pa kami ng manager.”

Sina Andrea at Marian ay parehong nasa pangangalaga ng Triple A Management ni Mr. Tony Tuviera.

Nagkakakuwentuhan ba sila ni Marian, lalo na’t isa siya sa leading lady ni Dingdong sa Alyas Robin Hood?

Ayon kay Andrea, “Bago pa mag-start ang show, binalitaan ko siya na ito nga ang role ko.

“At saka, every once in a while, nagpapadala ako ng food sa kanya through Kuya Dong.

“Nilalagay ko dun, ‘To Ate Yan and Kuya Dong.’