Hindi nakapagtimpi ang award-winning actress na si Nadine Lustre na sagutin ang netizens na pinaparatangang cheater ang French boyfriend niyang si Christophe Bariou.
Sa Instagram nitong Linggo, August 20, 2023, dalawang netizens ang magkasunod na sinagot ni Nadine nang magkomento ang mga ito sa post ni Christophe.
Laman ng komento ng netizens ang diumano’y madalas na pakikipagkita at bonding ni Christophe sa isang Filipino-German surfer at skater na nakabase rin ngayon sa Siargao.
Ayon sa isang netizen, may nakapagtimbre sa kanyang naiispatan ang boyfriend ni Nadine na madalas ay may ibang babaeng kasama sa Siargao habang ang aktres ay nandito sa Maynila.
Buong komento ng netizen (published as is), “hi sir @cbariou someone told us from siargao that you been hanging with @maryloubvckvr for these past few days using Nadine’s jeep, you’ve been always with her surfing, eating and skating.
“We just wondering why you always spend time with her while Nadine is in manila.
“We just hope di mo niloloko si Nadine mataas pa naman respeto namin sa ito [sad face emoji].”
Agad naman itong nireplayan ni Nadine.
Buwelta ng aktres sa netizen, “Stop acting like you’re concerned. You’re just another hater tryna create drama.
“2023 na, gawa nalang tayong vegan cheese.”
Isa pang netizen ang nagbigay ng malisya sa pakikipagkaibigan ni Christophe sa ibang babae.
Sabi pa nito, concern lamang siya kay Nadine dahil ayaw niyang muling makitang nasasaktan ito, na hindi naman nagustuhan ng FAMAS 2023 Best Actress.
Mababasang komento ng netizen (published as is), “sana nads di siya kagaya kay james na manloloko ayaw naming makitang niloloko ka at sinasaktan,
“Same before lagi mong pinagtanggol pero niloloko ka pa rin.
“We just hope yung concern ng siaoganhon na nakakita kay @cbariou at marylou ang mali .
“Malayo ka nads yong taga siargao ang laging nakakakita kung sino palagi kinakasamang babae ni chris sa siao.
“So sana wag masyadong magtiwala kay @cbariou pinagdaanan mo nayan, we hope u learn the lesson [sad face emoji]. CONCERN KAMI SA IYO.”
Buwelta naman ni Nadine, bakit kailangang lagyan ng malisya ang pakikipagkaibigan ng kanyang nobyo sa ibang babae, gayong siya rin naman daw ay may mga kaibigang lalaki.
Aniya, “how rude and offensive. lagi ko ding kasama yung mga guy friends ko recently, but that doesn’t mean Im cheating.
“Di ba siya pwedeng magka friends na girls?
“Di ko kaya yung backwards mentality mo teh. It’s giving pre pandemic.”
NADINE MAKES A STAND FOR PLATONIC RELATIONSHIP
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), ibinahagi ni Nadine ang kanyang saloobin tungkol sa pakikipagkaibigan sa opposite sex.
Tweet niya (published as is), “normalize girls having guy friends normalize guys having girl friends.”
Maging ang umano’y pagtawag sa kanyang “t*ng*” at mapagpaniwala sa tsismis ng ilan sa kanyang fans ay hind rin niya pinaligtas.
Aniya, “in complete awe that some of ‘my fans’ actually called me ‘tanga’ in their gc just cause they think they can live my life better than I can.
“also the same people that send chismis to others. grateful the real ones never engage with their bs tbh.”
Dagdag pa niya, “also pls don’t come at me with your self righteous + condescending lecture if you believe in chismis. It’s toxic af.”