Chelsea Manalo bigong makapasok sa Top 12 ng Miss Universe 2024

Chelsea Manalo bigong makapasok sa Top 12 ng Miss Universe 2024

MULA sa 125 kandidata, 30 lamang ang pinili para maglaban-laban sa grand coronation night ng ginaganap ngayong Miss Universe 2024 pageant.

Abangers na ang buong mundo kung sino ang tatanghaling bagong reyna sa naturang international pageant na kasalukuyan pa ring nangyayari ngayon sa Arena CDMX, Mexico City.

From 30 finalist ay napili na nga ang Top 12 candidate na siyang magtatagisan ng galing sa pagrampa suot ang kanilang evening gown.

Ngunit sa kasamaang-palad hindi na nakasama ang bet ng Pilipinas sa Top 12 na si Chelsea Manalo na umabot lamang hanggang sa Top 30 finalist.

Kung siya ang nanalo, magiging kahilera na sana niya ang ating past Miss Universe titleholder na sina  Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

Tuloy pa rin ang laban ng mga sumusunod na kandidata sa next round ng kumpetisyon kung saan kukunin naman ang Top 5 na magtutunggali sa pinakaaabangang question and answer portion.

Bolivia – Juliana Barrientos

Mexico – Maria Fernanda Beltran

Venezuela – Ileana Marquez

Argentina – Magali Benejam

Puerto Rico – Jennifer Colin

Nigeria – Chidimma Adetshina

Russia – Valentina Alekseeva

Chile – Emilia Dides

Thailand – Opal Suchata Chuangsri

Denmark – Victoria Kjær Theilvig

Canada – Ashley Callingbull

Peru – Tatiana Calmell

VIDEO :

Ang mga hurado o miyembro ng selection committee ngayong taon sa Miss Universe 2024 ay sina Dubai-based Filipino designer Michael Cinco, women empowerment advocate Gabriela Gonzalez, art collector Gary Nader, Austrian entrepreneur Eva Cavalli, star builder Emilio Estefan, Miss Universe Canada 2020 Nova Stevens, Colombian actress Fariana, at celebrity dentist Camila Guiribitey.

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang nagsisilbing commentator, habang nagbabalik ang international actor na si Mario Lopez as pageant host.

Bago pa man magsimula ang grand coronation night ay nagwagi na agad ang Pilipinas matapos itanghal na “Best Host Tour Country” during the preliminary show.

Sa lahat ng bansang binisita ng reigning queen na si Sheynnis Palacios, ibinigay ng Miss Universe Organization (MUO) sa Pilipinas ang titulong Best Host.

Tinanggap ni Miss Universe Philippines (MUPH) President Jonas Gaffud ang award sa national costume show at preliminary competition na ginanap sa Arena CDMX, Mexico City, Mexico kahapon (November 15, Manila time).