Naglabas ng public apology ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose kaugnay ng kontrobersiyal niyang performance sa loob ng isang simbahan sa Occidental Mindoro.
Noong October 6, 2024, nagkaroon ng fundraising concert si Julie Anne, kasama si Jessica Villarubin, na pinamagatang Heavenly Harmony Concert.
Ginanap ito sa loob mismo ng Nuestra Señora del Pilar Shrine and Parish sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Ngunit ang masaya sanang pagtatanghal ni Julie Anne ay nabahiran ng kontrobersiya nang batikusin siya dahil sa viral video ng pagkanta niya ng “Dancing Queen” sa harap ng altar ng simbahan.
Dagdag pa rito ang suot niyang gown na may mahabang slit na ayon sa ilang netizens ay hindi angkop sa simbahan.
Sa paningin ng karamihan, lalo na ng mga debotong Katoliko, hindi akma sa pinagdausan ng fundraising event para sa pagpapagawa ng simbahan ang kinantang “Dancing Queen” at suot ni Julie Anne.
Kinuwestiyon din ng ilan kung bakit pinayagan si Julie Anne na kumanta ng party song na “Dancing Queen,” imbes na religious song.
JULIE ANNE’S PUBLIC APOLOGY
Dahil sa kaliwa’t kanang batikos online, minarapat ng Kapuso singer-actress na basagin ang kanyang katahimikan.
Sa pamamagitan ng Facebook nitong Huwebes, October 10, nagpaliwanag si Julie Anne, kalakip ang paghingi niya ng paumanhin sa lahat ng Katolikong na-offend at nabastusan sa kanyang ginawa.
Photo/s: Screengrab @X
Ayon sa singer-actress, hindi niya intensiyong bastusin ang sagradong pananampalataya ng mga Katoliko dahil sa gawi ng kanyang kinanta at kasuotan.
Nagpunta raw doon si Julie Anne na may hangaring magbigay saya at makatulong sa fundraising event.
Bagamat may nagawa mang hindi katanggap-tanggap para sa iba, lubos daw itong inihihingi ng paumanhin ni Julie Anne.
Mababasa sa kanyang post (published as is), “I am offering my apologies.
“Even though my only intentions were to share joy and to give support to the church through the benefit concert, many have felt offended about the incident I was in and with my performance which caused distress.
“I truly, sincerely apologize. This is a lesson learned and it is assured that it will not be repeated.”
Pakiusap pa niya na matapos na ang isyu, dahil katulad ng iba ay malaki at buong-buo rin daw ang pananampalataya ni Julie Anne sa Poong Maykapal.
Saad niya: “I am not perfect but please know that I have strong beliefs and my faith is unbreakable and cannot be shaken.
“I pray that we can all move forward with compassion in our hearts.
I am not perfect but please know that I have strong beliefs and my faith is unbreakable and cannot be shaken.
“I pray that we can all move forward with compassion in our hearts.
Thank you.”
Photo/s: Julie Anne San Jose on Facebook
SPARKLE TAKES FULL RESPONSIBILITY FOR JULIE ANNE’S CHURCH PERFORMANCE
Samantala, bago pa maglabas ng public apology si Julie Anne ay nauna nang inako ng Sparkle GMA Artist Center ang buong responsibilidad sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng singer-actress.
Bukod sa pag-amin sa kanilang pagkukulang, humingi rin ng paumanhin ang pamunuan ng Sparkle kay Julie Anne at sa lahat ng mga miyembro ng Simbahang Katoliko na nainsulto sa pinag-uusapang viral video.
Ang Sparkle ang talent management arm ng GMA Network Inc. ang namamahala sa showbiz career ni Julie Anne.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang Sparkle nitong Miyerkules ng gabi, October 9.
Nakasaad sa kanilang pahayag: “Sparkle would like to officially address the current issue regarding Julie Anne San Jose’s performance at the Nuestra Señora Del Pilar Parish.
“Sparkle GMA Artist Center takes full responsibility for Julie Anne’s attendance at this event.
“It is our job to coordinate and clear details with the organizers and relay the instructions to our artist.
“Julie Anne only fulfilled her duties and commitment as a true professional.
“She is a devout Catholic and had no intention of disrespecting the Church or its members.
“We are truly sorry to those we have offended.
“We hope that this puts the issue to rest.
“We apologize to Julie Anne as well.
“Moving forward, we will be more vigilant in our coordination efforts to ensure such incidents do not happen again.”
News
Kyle Echarri gets tattoo in memory of his late sister Isabella
Kyle Echarri on getting a tattoo: “I can say she’ll be looking over me forever.” Actor and endorser Kyle Echarri wanted to remember his late sister Isabella who sadly passed away in April 2023. In his Instagram post, Kyle showed…
Dolly de Leon reveals worst experience with younger stars
Ibinahagi ng seasoned actress na si Dolly de Leon ang “worst” experience niya sa younger generation of actors. Ayon sa kauna-unahang Pinay na na-nominate bilang best supporting actress sa British Academy Film Awards (BAFTA) at Golden Globe, may mga baguhang…
Chesca Kramer reflects on growing up in a broken family, says life now is ‘everything I always hoped for’
Chesca Garcia-Kramer reflected on what it was like growing up in a broken family, and how her life is totally different now in an Instagram post. On Instagram, the actress shared photos with her husband Doug Kramer and their kids…
Kyline Alcantara has remained silent
Kyline Alcantara refuses to answer real score with Kobe Paras Screengrab from @rhiannalorain0 TikTok account MANILA, Philippines — Actress Kyline Alcantara refused to answer what is the real score between her and basketball player Kobe Paras. In a “24 Oras”…
KobeKyline finally admitted their relationship officially.
Kobe Paras has finally addressed rumors surrounding his relationship with actress Kyline Alcantara, leaving veteran talent manager and entertainment columnist Lolit Solis stunned during a recent encounter. Talent manager Lolit Solis revealed on her Instagram that basketball player Kobe Paras…
How Kyline Alcantara handles bashers, mental health
Before Bea Alonzo and Dominic Roque, Kyline Alcantara was among those who suffered heavy bashing and fanfare from a recent breakup and love team falling out, alongside the split between Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. But now, Kyline is ready…
End of content
No more pages to load