Usap-usapan ngayon na nanganak na ang aktres na si Julia Montes, 24, at nangyari ito rito mismo sa Pilipinas.
Malakas din ang kutob ng showbiz insiders na ang ama ng isinilang ng dating Star Magic star ay ang secret boyfriend niyang si Coco Martin, 37, ang tinaguriang King of Primetime ng ABS-CBN dahil sa pamamayagpag ng pinagbibidahan nitong FPJ’s Ang Probinsyano.
Taong 2015 nang unang umugong ang balitang may lihim na relasyon sina Julia at Coco.
Ngunit sa loob ng apat na taon ay nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.
Una silang nagkatambal sa Kapamilya teleseryeng Walang Hanggan, na umere ng sampung buwan—mula January 16, 2012 hanggang October 26, 2012.
Dahil sa tagumpay ng kanilang tambalan, nasundan ito ng isa pang proyekto noong 2013, ang pelikulang A Moment In Time, na kinunan sa Netherlands at iba pang mga bansa sa Europe.
Noong 2014, muling nagkasama sina Coco at Julia sa primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.
Nakasama nila rito sina Kim Chiu, KC Concepcion, at Jake Cuenca. Tumagal ng walong buwan sa ere ang teleserye na nagkaroon pa ng Book Two.
2015 naman nang magkasama ang dalawa sa “Yamishita’s Treasure” episode ng Wansapantaym.
Matapos nito, nagkanya-kaya na sila ng proyekto.
Ngunit ayon sa mga nakakakilala sa kanila, naging close sina Julia at Coco at mayroong relasyong higit pa sa pagkakaibigan lamang.
JULIA LEAVES STAR MAGIC
October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.
Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan na ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.
Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.
Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.
December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.
News
May Violation Ulit! It’S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda
Kapamilya noontime show na It’s Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda. Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag…
BREAKING NEWS: Binggo Na! Its Showtime Nanganganib Na Muling Masuspinde?!
Sa pinakabagong episode ng It’s Showtime, muling nakakuha ng pansin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa kanyang mga kontrobersyal na biro. Ang mga birada ni Vice Ganda ay naglalaman ng mga pahayag na tila may target…
Vice Ganda, sinagot ang netizen na sinabihan siyang wag pisikalin si Anne Curtis
– Vice Ganda recently responded to some netizens on Twitter – One netizen called him out and told him to avoid having “pisikilan” jokes with Anne Curtis – It didn’t take long for Vice to address the said tweet –…
Gerald Anderson’s mother opens up about relationship between Bea Alonzo and her son: ‘I never liked her!’
27 Aug – Gerald Anderson’s mother Evangeline Opsima is definitely unhappy with the controversy surrounding her son’s breakup with Bea Alonzo, as she recently admitted that she has never liked the actress for her son. As reported on Rappler, Opsima, known…
Bea Alonzo reacts after touring Thailand at same time as Gerald Anderson, Julia Barretto
From left: Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto at the 2019 ABS-CBN Ball Philstar.com / Kat Leandicho, file MANILA, Philippines — Kapuso actress Bea Alonzo is unbothered to cross paths with her ex-boyfriends in the future. In GMA7 reporter…
Xian Gaza, sinagot ang netizen na nagtanong kung bakit sila naghiwalay ng ex
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=478551918363683&set=a.106700708882141&type=3&ref=embed_post- Sa kanyang post kamakailan ay pinakita niya ang aniya’y dinatnan niya nang umuwi siya sa bahay nila – Aniya, bago siya umuwi ay sinabihan niya na ang ex girlfriend niya na lumipat na – Bukod sa pagpuri niya na…
End of content
No more pages to load