Kitang-kita ang kilig ni Coco Martin at mga host ng

MAYNILA — “Dito nagsimula ang lahat.”

Ito ang mga salitang binitawan ni Coco Martin nang magbahagi siya tungkol sa dating serye na “Walang Hanggan,” kung saan nakapareha niya si Julia Montes.

Kitang-kita ang kilig sa mukha ng aktor, maging sa mga manonood at mga host ng “Magandang Buhay,” nitong Biyernes.

“Isa ito sa minahal at tumatak sa aking teleserye kasi talagang lahat halos ng mga mahuhusay na artista ay kasama ko rito. Lalong-lalo na si Tita Susan ay dito kami nagkatrabaho, kaya napaka-unforgettable sa akin ito. At saka dito ko unang naging leading lady si Julia,” ani Coco.

Matatandaang matapos ang “Walang Hanggan” ay nagkasama pang muli sina Montes at Martin sa mga seryeng “Ikaw Lamang” at “Wansapanataym: Yamishita’s Treasures.”

Ang karakter naman ni Montes bilang si Mara ang tinaguriang huling pag-ibig ni Cardo Dalisay (Martin) sa pitong-taong serye na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Bumisita si Martin sa “Magandang Buhay” para anyayahan ang mga manonood sa pinakabago niyang serye na “FPJ’s Ang Batang Quiapo” na magsisimula sa Lunes ng gabi, Pebrero 13, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Kaugnay na video: