Rochelle matinding pinagselosan sina Pauleen at Janna; Arthur may inamin – LA

Rochelle matinding pinagselosan sina Pauleen at Janna; Arthur may inamin

Rochelle matinding pinagselosan sina Pauleen at Janna; Arthur may inamin

DALAWANG female star na nakatrabaho ng kanyang asawang si Arthur Solinap ang talagang pinagselosan ng Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan.

Diretsahang pinangalanan ni Rochelle ang mga aktres na sina Pauleen Luna at Janna Dominguez bilang ilan sa mga artistang pinagselosan niya noon.

Sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” natanong ang  celebrity couple na sina Rochelle at Arthur kung sino sa kanila ang mas seloso o selosa.

“Pareho, eh. May stages lang noong una. Noong una, siya, grabe eh,” ang pahayag ni Arthur.

Napa-smile naman si Rochelle na parang hiyang-hiya. Hirit uli ni Arthur, “Tapos na naman eh.

“Basta kapag may show ako, kung sino ‘yung cast na babae, automatic pagseselosan. Usually. Lalo na kapag sexy, maganda.

“So, ako kapag nasa taping, ilang na ilang akong makita sa picture na kaming dalawa lang,” sey pa ng aktor.

Hirit na biro uli ni Rochelle, “Eh, paano, lagi kayong magkatabi!”

Kasunod nito, binanggit na ni Rochelle ang name Pauleen na isa raw sa kanyang pinagselosan. Sey agad ni Arthur, “Kasi may kissing scene. Kissing scene lang.”

Pag-amin pa ni Rochelle “galit na galit” daw siya noon dahil dito. Natatawa pa niyang chika ng original SexBomb Dancer, “Ako, hindi puwede. Ikaw, puwede?

“Eh, kasi sa kanya (Arthur) laging may issue kapag may katabi ka lang. Ito, magki-kissing scene kayo?” hirit pa ni Rochelle.

“Mali ko kasi hindi ko sinasabi na may kissing scene,” sey naman ni Arthur.

Isa pa sa pinagselosan ni Rochelle ay si Janna Dominguez, na kasama ni Arthur sa sitcom na “Pepito Manaloto” sa GMA 7.

Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap binalikan ang mga taong pinagselosan  nila noon | GMA Entertainment

“Kasama sa show tapos maganda, sexy, automatic (magseselos),” sumbong pa ni Arthur.

“Eh, kasi ang sexy sexy ni Janna. Tsaka maputi,” natatawa pa ring depensa ni Rochelle. “Kasi laging katabi sa picture, tapos laging kasama sa eksena, tapos laging niloloko pa sa set.”

Ni-reveal naman ni Arthur na  pinagselosan niya ang ilan sa mga dance partner at naging ka-love team ni Rochelle sa TV series na “Daisy Siete” sa GMA kabilang na riyan ang actor-model na si Victor Aliwalas.

“Loveteam siya. Siya ‘yung next ko. After ko, siya eh naging partner mo, so parang nagselos ako konti,” ani Arthur.

Ikinasal sina Rochelle at Arthur noong 2017 at biniyayaan ng isang anak, si Shiloh.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News