angelica yulo carlos yulo

Angelica Yulo (left photo, with children Elaiza and Eldrew) has stopped granting interviews about estranged son Carlos Yulo (right photo), but her recent social-media posts seem to be cheap shots at the two-time Paris Olympics gold medalist.

PHOTO/S: ANGELICA POQUIZ YULO FACEBOOK / INSTAGRAM

Huminto na si Angelica Yulo sa pagbibigay ng panayam tungkol sa hidwaan nila ng anak niyang si Carlos Yulo, pero patuloy pa rin ang mga batikos sa kanya.

Malalim ang sigalot sa pagitan ng mag-ina dahil bukod sa usapin ng salapi, mahigpit ang pagtutol ni Angelica sa ugnayan ni Carlos sa girlfriend nitong si Chloe San Jose, na kilala ngayon bilang “ChArlos” loveteam.

May kinalaman sa social media posts na rin ni Angelica ang mga bagong pagtutuligsa sa kanya.

Inaakusahang nananadya siya para pasakitan ang anak na dalawang gintong medalya ang napanalunan sa Paris Olympics 2024.

ANGELICA YULO’S FACEBOOK POSTS

Para sa mga stalker ng Facebook page ni Angelica, pasimpleng patutsada nito laban kay Carlos ang video post niya noong Agosto 24 tungkol sa pamamahagi ng pagkain ng kanyang mga anak sa mga kapitbahay nila sa Maynila.

angelica yulo with children eldrew and iza

Angelica Yulo (rightmost) with children Eldrew and Iza during their food sharing with neighbors. 
PHOTO/S: SCREEN GRAB FROM ANGELICA YULO’S FACEBOOK

Malinaw na maririnig sa video ang voiceover statement ni Angelica: “Salamat po sa araw na ito, sa mga tumulong magluto at mag-asikaso ngayon, sa mga anak ko na nagbahagi ng kahit papaanong parte ng incentives nila.

“Salamat din kay Eldrew at sa panganay ko na si Joriel sa ipinaabot niyang tulong para kahit papaano, makatulong tayo sa simpleng paraan.

“Lagi tayong tumulong sa kapwa kapag may sobra tayo, maliit man o malaki. Ang mahalaga ay magbigay tayo ng bukal sa puso.

“Pagpasensiyahan ninyo na sana ang nakayanan namin ng mga anak ko.”