Sa kabila ng mga isyu sa kanyang anak na si Carlos Yulo, ibinida ni Angelica Yulo ang regalong natanggap niya mula sa kanyang ibang mga anak na sina Eldrew at Elaiza Yulo.

Angelica Yulo, ibinida ang mga regalo nina Elaiza at Eldrew YuloAngelica Yulo, ibinida ang mga regalo nina Elaiza at Eldrew Yulo
Source: Facebook

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Angelica ang mga regalong natanggap niya mula sa kanyang dalawang anak. Si Elaiza ay nagbigay sa kanya ng Ginevra Elite Society Satchel mula sa Guess na nagkakahalaga ng P5,499. Ayon kay Angelica, sinabi sa kanya ng anak na deserve niya ang ganoong bag, dahil kapag pera raw ang ibinigay, tiyak na gagastusin lamang ito para sa pamilya at hindi para sa sarili.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Có thể là hình ảnh về 1 người, giày đế bện dây thừng, va li và văn bản cho biết 'PILIPINAS TODAY Angelica Poquiz Yulo is with Elaiza Yulo. 3d- thisi Yza: for you. You deservei kita pwede magamit pagp kasi naman bibili ng naman para sa Binigay sau dika ka Para sau. Gagamitin Amin. Me: (speechless) THANK YOU Angelica Poquiz Yulo 23h Yung Isang anak mo o di nagpakabog Kay Elaiza tapos Sabip nya a aki kin mama 3k ang budget you. nato abi na ung money Alam ko kulang pa yan kasi akala anak kan Henry Sysa akas mong gumastost thank you OUs much Kari Yulo'

Samantala, si Eldrew naman ay nagregalo sa kanyang ina ng Air Jordan 1 Low Metallic Gold, na may halagang humigit-kumulang P10,500. Biro pa ni Angelica, si Eldrew ay hindi nagpahuli kay Elaiza sa pagbibigay ng regalo, at sinabi pa raw ni Eldrew na mayroon pa siyang naka-tabing pera para sa kanya.

Pati ang padre de pamilya na si Mark Andrew Yulo ay nakatanggap din ng regalo mula sa kanilang mga anak. Pinuri ng netizens sina Elaiza at Eldrew dahil sa kanilang suporta sa kanilang ina sa kabila ng matinding pagsubok na hinaharap ng kanilang pamilya dahil sa mga isyung bumabalot sa kanila at kay Carlos Yulo.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.