Umani ng 7.2 likes at 7.7K comments ang Facebook live online selling ni Angelica Yulo ngayong Martes ng hapon, Setyembre 3, 2024, kaya masasabing tagumpay ang kanyang halos tatlong oras na pagbebenta ng skin care products at T-shirts.

Si Angelica ang kontrobersiyal na ina ng two-time Paris Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Kasama ni Angelica sa live online selling ang kanyang anak na si Karl Andrew Yulo, na isa ring artistic gymnast.

angelica yulo live selling

PHOTO/S: ANGELICA POQUIZ YULO FACEBOOK

Pinuri ng netizens na nanood ng live selling ang pagiging madiskarteng ina ni Angelica at nangako silang susuportahan ang mga negosyo nito.

May presyong PPH250 ang skin care products na ibinebenta ni Angelica, at nagkakahalaga naman ng PHP500 ang “branded” T-shirts na ipinagbibili niya.

Gucci, Chanel, Versace, Balenciaga, at Loewe shirts — na napaghihinalaang counterfeit products dahil sa napakamurang halaga — ang iniaalok ni Angelica sa kanyang live online selling.

Takaw-kontrobersiya ang for sale “branded” T-shirts ni Angelica dahil sa isyu ng trademark infringement kaya dapat maging maingat siya sa mga produktong ipinagbibili niya, lalo pa’t Olympic medalist ang kanyang anak.

NETIZENS, OFWS SUPPORT ANGELICA YULO

Bukod sa pagsabak sa online selling, nagtitinda rin si Angelica ng longganisa.

Ilan lamang ito sa paraan ng pagpapakitang hindi umaasa ang kanilang pamilya sa mga premyo at regalong natanggap ni Carlos, na isa nang certified multi-millionaire dahil sa tagumpay niya sa Paris Olympics