Nais ideklara ng Lungsod ng Maynila ang August 4 bilang “Carlos Yulo Day” bilang pagpupugay sa araw na nakamit niya ang kanyang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.
August 4, idedeklara bilang “Carlos Yulo Day” sa Lungsod ng MaynilaSource: Facebook
Ang double gold Olympic medalist ay bibigyan din ng karangalan sa Manila City Hall sa Lunes, August 19.
Ipinaliwanag ng alkalde na abala ang iskedyul ni Yulo kaya’t sa Lunes pa lamang magaganap ang awarding.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, sinabi rin ni Mayor Lacuna na ang isa pang Manileño, si Olympic pole vaulter EJ Obiena, ay bibigyan ng cash incentive na P500,000. Gayunpaman, ang gantimpala ni Obiena ay kailangang ibigay nang mas maaga dahil siya ay naka-schedule na umalis patungo sa ibang bansa sa Huwebes.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.
Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.