Naging usap-usapan sa social media ang Olympic gymnast na si Carlos Yulo matapos itong humarap kay Vice Ganda sa isang episode ng kanyang programa.

CARLOS YULO "CALOY" NASUPALPALšŸ”“NG ILANG NETIZENS NG HUMARAP KAY VICE  GANDAšŸ”“

Maraming netizens ang napansin na tila may lungkot sa mga mata ni Carlos at ang kanyang mga ngiti ay hindi kasing saya ng inaasahan mula sa isang two-time Olympic gold medalist. Dahil dito, hindi naiwasang magtanong ang ilan kung may personal na pinagdaraanan si Carlos o kung may patama ang episode para sa kanya.

Ang nasabing episode ay nagtalakay ng isang napaka-sensitibong temaā€”ang halaga ng mga magulang sa buhay ng kanilang mga anak. Dahil dito, hindi naiwasang iugnay ng ilang netizens ang episode sa mga kumakalat na isyu tungkol sa relasyon ni Carlos sa kanyang pamilya. May mga nagsabing tila “hilaw” ang kanyang mga ngiti, at inisip ng ilan na marahil itoā€™y dulot ng mga alitan o isyu sa kanyang pamilya.

Vice Ganda sets movie comeback co-starring 'It's Showtime' co-host Jhong  Hilario | Philstar.com

Marami ang nakisimpatiya kay Carlos, lalo naā€™t hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang ilang personal na isyung kinakaharap ng batang atleta. Gayunpaman, mayroon ding mga netizens na nagbigay ng opinyon na sanaā€™y ayusin ni Carlos ang kanyang relasyon sa kanyang pamilya, lalo naā€™t binigyang-diin ng episode ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ugnayan sa mga magulang.

Habang patuloy na tinutukan ng mga netizens ang mga kilos at pahayag ni Carlos, marami pa rin ang umaasang maghahanap ito ng paraan upang maibalik ang kasiyahan at pagkakaisa sa kanyang pamilya.