Usap-usapan ngayon sa social media ang Olympic gymnast na si Carlos Yulo matapos lumabas ang isang live video ng kanyang ama, kung saan makikitang tuloy-tuloy pa rin itong pumapasok sa kanyang dating trabaho gamit ang bisikleta.

Maraming netizens ang nag-react, at karamihan sa kanila ay nagtatanong kung bakit hindi pa natutulungan ni Carlos ang kanyang pamilya sa kabila ng kanyang tagumpay.

Ayon sa mga netizens, ang pamilya ang unang dapat na tulungan ng isang tao bago ang iba. Isang netizen ang nagkomento, “Sana naman tulungan mo naman ang pamilya mo, Carlos. Alam mo kung saan kayo galing at napakabait ng mga magulang mo. Hindi ko kayang makita ang mga magulang ko na umiiyak.”

Proud parent: Quiet Mark Yulo breaks down in tears after son Carlos' double  Olympic gold

Bukod dito, may mga nagsabi rin na dapat ay kasama ni Carlos ang kanyang mga magulang sa kanyang tagumpay. “Ang saya natin, kasiyahan din ng mga magulang natin,” sabi ng isang komento. “Unahin ko pamilya ko bago ang iba, kahit asawa.”

Ang isyu ng relasyon ni Carlos sa kanyang pamilya ay tila nagdulot ng mas maraming pag-uusisa. Marami ang nagsabi na habang hindi pa huli ang lahat, dapat ayusin ni Carlos ang kanyang ugnayan sa kanyang pamilya, lalo na’t naging malaking bahagi sila ng kanyang tagumpay.

Isa pang netizen ang nagsabi, “Ang material na bagay ay panandalian lamang. Ang mahalaga ay magkasama kayo ng pamilya mo sa mga panahong ito.”

Habang ang isyung ito ay patuloy na umaani ng iba’t ibang reaksyon, marami pa rin ang umaasang magkakaroon ng pagkakasundo at mas mapagtutuunan ng pansin ni Carlos ang kanyang mga magulang sa hinaharap.