– Matatandaang kasabay ng pagsungkit ni Carlos ng dalawang gintong medalya ang pagputok ng umano’y isyu nilang mag-ina

– Marami ang naghahangad na sa pagbabalik ni Carlos sa bansa ay mabibigyang daan na ang pag-aayos nilang mag-ina

Agad na nag-post si Carlos Yulo matapos mamataan ang ama sa Heroes’ Parade ngayong Agosto 14.

Carlos Yulo, may mensahe sa ama matapos makita ito sa Heroes' paradeCarlos Yulo, may mensahe sa ama matapos makita ito sa Heroes’ parade (Carlos Edriel Yulo)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, nasabi ni Carlos ang kanyang naramdaman nang makita ang ama.

“Maraming salamat Pa, masaya ako nakita kita don nakasuporta! Pasensya na pa hindi ako masyado nakakaway, ang daming nag pa authograph hehe,” ani Carlos.

Gayunpaman, marami ang natuwa nang dugtungan pa ito ni Carlos ng “Kitakits soon Pa Mark Andrew Yulo.

Umaasa ang marami na ito na umano ang maging daan upang maayos ng pamilya ni Carlos kung anoman ang hindi nila pagkakaunawaan lalo na ng kanyang ina.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba’t ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.Ngayong Agosto 4, lalaban muli sa isa pang kategorya si Yulo, kung saan umaasa ang marami na makapag-uuwi muli siya ng isa pang ginto para sa Pilipinas.

Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men’s Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.

Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano’y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos. Gayunpaman, hangad na marami na magkaayos parin silang mag-ina