Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakasabay ni Chloe San Jose at ng kanyang kasintahan na si Carlos Yulo sa Japan habang naroon din ang nakababatang kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Yza. Sa isang post ni Chloe kung saan makikitang nasa Japan siya, isang netizen ang nagtanong kung bumalik na sila ni Carlos sa Tokyo at kung bumisita ba sila kina Eldrew at Yza.

Chloe at Carlos Yulo, nag-reach out daw kina Eldrew at Yza: "They asked permission to see us"
Chloe at Carlos Yulo, nag-reach out daw kina Eldrew at Yza: “They asked permission to see us”
Source: Facebook

Sa sagot ni Chloe, nilinaw niyang nagkataon lamang na nasa Tokyo din sila sa parehong oras. Aniya, nag-reach out sila kina Eldrew at Yza at nagpaalam naman ang magkapatid na makipagkita, ngunit tila naging abala ang dalawa kaya hindi natuloy ang plano nilang magkita.

“Hey Chloe Anjeleigh San Jose are you both back in Tokyo? Visiting K & Y?” tanong ng netizen.

Sagot naman ni Chloe, “We were just there at the same time as them—we reached out, they asked permission to see us lol but I guess they were too busy 🙃.”

Marami ang umaasa na unti-unting magkakaayos ang pamilya ni Carlos.

Si Carlos Edriel Poquiz Yulo o mas kilala bilang Caloy, ay isang kinikilalang atleta na nagsimulang sumabak sa gymnastics sa edad na pito at sumali sa pambansang koponan noong 2018. Nakilala siya bilang isang two-time Olympic champion matapos mag-uwi ng gintong medalya sa floor exercise at vault sa 2024 Paris Olympics. Siya rin ang kauna-unahang Pilipino at Southeast Asian gymnast na nagwagi ng medalya sa World Artistic Gymnastics Championships, kung saan nagtamo siya ng bronze noong 2018 at gold noong 2019.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.