Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanya

Sa pagdiriwang ng kanilang ika-52 na buwan bilang magkasintahan, ibinida ni Chloe San Jose ang natanggap niyang bulaklak at isang matamis na love letter mula sa kanyang nobyo na si Carlos Yulo. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chloe ang larawan ng mga bulaklak at ang sulat mula kay Carlos, kung saan mababasa ang taos-pusong pasasalamat ng kilalang gymnast sa kanyang nobya.

Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanya
Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanya
Source: Facebook

Dagdag pa niya, excited na siyang maging isang ama at asawa kay Chloe, habang patuloy niyang inaabot ang kanyang mga pangarap. Tila patunay ang mensaheng ito ng mas matatag na relasyon ng dalawa, sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap nila.

Umani ng mga pagbati mula sa kanilang mga tagahanga ang post ni Chloe. Isang komento ang nagsabing, “Wow, 52 months and counting! More monthsaries and anniversaries to come! šŸ™ Always stay in love, lovebirds!” Isa namang netizen ang nagpayo sa magkasintahan na huwag pansinin ang mga negatibong tao: “Happy Monthsary, Carlos Edriel Yulo at Chloe Anjeleigh San Jose! Stay strong, never mind the negativity and toxicity. Just focus on your goal and always make G.O.D. as the center of your relationship.”

PAY ATTENTION: Follow us onĀ InstagramĀ – get the most important news directly in your favourite app!

Hinikayat din sila ng ilang tagasuporta na magplano na bilang isang pamilya. “Ayanaaa na, mag-plan as a family na din kayo! Happy for you both! Donā€™t mind the bashers, let them bark! Wala namang naiaambag sa buhay ninyo iyon! Always remember, people who ainā€™t happy in others’ success are miserable in real lifeā€¦”

Sa gitna ng kanilang tagumpay sa kanilang mga personal at propesyonal na buhay, tila mas lalo pang tumitibay ang pagmamahalan nina Chloe at Carlos.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya.Ā Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz YuloĀ ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya,Ā nanatiling matatag si Chloe San Jose.Ā Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News