Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pagmamadali ni Chloe San Jose, kasintahan ng sikat na gymnast na si Carlos Yulo, na magpakasal bago matapos ang kanyang tourist visa.
Ayon sa mga bali-balitang kumakalat, nais na diumano ni Chloe na mapabilis ang kanilang kasal upang maayos ang kanyang pananatili sa bansa, lalo na’t may mga usap-usapan na maaaring siya ay ideport kapag nag-expire na ang kanyang visa.
Ayon sa mga eksperto, hindi naman awtomatikong makakakuha ng immigrant visa ang isang dayuhan matapos magpakasal sa isang Pilipino. Ang proseso para maging residente o makakuha ng visa ay nangangailangan ng mahabang panahon—maaari itong umabot ng ilang buwan o taon bago tuluyang maaprubahan, maliban na lamang kung ito ay dumaan sa mga hindi kanais-nais na proseso.
Samantala, patuloy ang pagtatanong ng mga netizens kung ano ang magiging hakbang ni Carlos Yulo sa gitna ng mga usaping ito