Chloe San Jose (left photo, with boyfriend Carlos Yulo) to Mark Andrew Yulo (right photo, with wife Angelica Yulo): “kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year…” The Tita Angge she refers to is Angelica Yulo.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
Hindi pa rin humuhupa ang alitan sa pagitan ng two-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo at ng kanyang pamilya.
Makalipas ang ilang linggong pananahimik ng magkabilang kampo, muling nagliyab ang isyu dahil sa komento ng ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo sa magkahiwalay na social media posts tungkol sa champion gymnast.
Bunsod nito, tila hindi na rin nakapagpigil ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose na sumagot sa ama ng nobyo.
Sa Facebook nitong hapon ng Miyerkules, September 4, 2024, nag-post ang two-time Paris Olympics gold medalist ng bagong update sa kanyang pupuntahan.
Babalik si Carlos sa Paris, France, para suportahan ang mga atletang lumalaban sa Paris Paralympics 2024.
Sabi ng champion gymnast sa caption (published as is): “Embarking on the journey to meet alike athletes that ‘started’ their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!
“Toyota Motor Philippines #TeamToyota #ParalympicGames #Paris2024 #StartYourImpossible #OneTeamAsia”
Dito ay nagkomento ang ama ni Carlos na si Mark na proud siya sa “narating” ng anak.
Pero kasunod nito ay nagsabing dapat itong mag-sorry sa inang si Angelica Yulo na nasaktan nang sabihan niya itong “magnanakaw.”
Komento ng ama ni Carlos: “Masaya ako sa narating mo nak Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw para luminis yang imahen mo”
Nauna na itong sinabi ni Mark sa Facebook post ng ABS-CBN News tungkol kay Carlos kahapon.
Read more about
Chloe San Jose
Carlos Yulo
Mark Andrew Yulo
Komento niya (published as is): “Dapat matuto siyang mag sorry sa kanyang nanay na Mali ang Ang sabihan nya ang kanyang nanay na mag nanakaw para gumanda ang kanyang imahen”
CHLOE SAN JOSE: “sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa”
Isa sa mga sumagot sa komento ni Mark ay si Chloe.
Alam daw ni Chloe na hindi si Mark ang nagkomento sa post ni Carlos.
Tila ipinapahiwatig ng nobya ni Carlos na may ibang gumamit ng Facebook account ni Mark at ito ang nagkomento sa post tungkol sa Olympic champion.
Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy ni Chloe, pero dahil tila gusto raw ng nagkomento na ilabas sa publiko ang kanilang hidwaan, sana ay sabihin din nitong “sinumpa” ng tinawag niyang “Tita Angge” si Carlos bago ito sumabak sa Paris Olympics 2024.
Ang “Tita Angge” na tinutukoy nito ay ang ina ni Carlos na si Angelica, ang ina ni Caloy.
Sabi ni Chloe sa ama ni Carlos: “pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito.
“pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year… :))”
Ayon pa kay Chloe, may binitawan pa umanong salita si Angelica na “hinding hindi na mananalo si caloy” sa laban.
Aniya, “sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy”
Pero bago raw lumipad si Carlos papuntang Paris Olympics ay nagbilin ng magagandang salita ang kanyang amang si Mark.
Saad ni Chloe, “kinuwento pa po sakin ni caloy before siya lumipad po sa olympics na sinabihan niyo po siyang galingan niya at ipagdarasal niyo po siya para pag nanalo po siya eh wala na silang masabi po jan sa bahay.
“dahil ang sabi niyo po kay caloy ay marami po kayong naririnig na hindi magagandang salita sakanila.”
Ayon pa kay Chloe, matagal at ilang beses na umano silang nag-sorry ni Carlos at sinubukang makipag-usap, pero walang nangyari.
Sinabi rin ng girlfriend ni Carlos na “nakapagpatawad” na sila.
Umaasa raw siyang magkakaayos din silang lahat sa takdang panahon.
Pahayag ni Chloe” “matagal na panahon at ilang beses na po kami nag sorry ni caloy at nag try makipag usap po sainyong lahat, pero bakit po ganito?
“pero wala na po yun tito eh, nakapag patawad na po kami and we’re always praying for you po.
“godbless us all po, let’s all pray na lang po for healing, guidance and love from HIM”
Wala pang sagot si Mark sa komento ni Chloe.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na hindi boto ang pamilya ni Carlos sa relasyon ng gymanst kay Chloe.
News
Boxing fans beg Manny Pacquiao to ‘never fight again’ as legend struggles in exhibition while ‘looking 100 years old’
FANS are begging the legendary Manny Pacquiao to “never fight again” as he “looked 100 years old” in his latest exhibition. The 45-year-old Filipino is the only eight-division world champion in the history of boxing and won twelve major world titles…
Ryan Garcia, 25, in talks to fight Manny Pacquiao, 45, in exhibition in Japan… despite boxer’s boxing drugs ban
RYAN GARCIA is in talks to fight Manny Pacquiao in an exhibition in Japan – despite serving a drugs ban. Garcia initially beat American rival Devin Haney in April by scoring three knockdowns in New York. 4 Ryan Garcia is…
Conor McGregor dealt major $8m cash blow as judge overturns Manny Pacquiao payout as ‘contract void due to illegality’
CONOR McGregor has been hit with a multi-million dollar punch in the mouth by boxing hero Manny Pacquiao, The Irish Sun can reveal. A US court ruled the Dublin fighter and manager Audie Attar’s Paradigm Sports Management can no longer…
Amir Khan, 37, in secret talks with Manny Pacquiao, 45, over fight and taunts rival for ‘looking s***’ in last bout
AMIR KHAN revealed he is secretly trying to arrange an exhibition with Manny Pacquiao – who he claimed ” looked s*** in his last fight”. Khan was sent into a painful retirement in 2022 after losing his bitter grudge match against…
Manny Pacquiao Revelation: “Before, I’m naive; that’s why I use drugs”
Manny Pacquiao shared his past experience Senator Manny Pacquiao revealed in a recent interview that when he was young he used drugs because he was still naïve back then. The issue of illegal drugs has become a recent topic in…
Kathryn Bernardo’s No-Fail Outfit Combo for Looking Effortlessly Cool
Kathryn Bernardo is known for her polished, figure-flattering style. Armed with her style-shifting abilities and penchant for timeless elegance, she’s usually seen sporting sophisticated looks with her usual feminine twist. But after a quick scroll through her Instagram page, we noticed one particular outfit combo she always…
End of content
No more pages to load