Sa pinakabagong video na inilabas ni Doc Willie Ong, isang kilalang doktor at health advocate, ipinakita niya ang mga resulta ng kanyang mga laboratory tests na nagpapakita ng patuloy na laban niya sa isang matinding sakit na sarcoma.
Doc Willie Ong, muling nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga FilipinoSource: Youtube
Ayon kay Doc Willie, mababa ang tsansa niyang mabuhay nang mas mahaba dahil sa bigat ng kanyang karamdaman, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin niyang binibigyan ng inspirasyon ang mga Pilipino.
“Nagkaroon ako ng sepsis, bumaba ang blood pressure ko. Tignan niyo ang mukha ko, kung gaano na ako kapangit,” ani Doc Willie habang ipinapakita ang epekto ng kanyang kondisyon sa kanyang pisikal na anyo.
Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, patuloy niyang binibigyang halaga ang kanyang misyon sa buhay. “Basta sa huling hininga ko, sasabihin ko lagi, gusto kong tulungan ‘yung mga nasa probinsiya, ‘yung mga mahihirap, dahil ‘yan ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Dapat patay na ako last week eh. Kung mabubuhay pa ako ng isang araw, ibibigay ko ‘yon para sa mga Pilipino.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Nagbahagi rin si Doc Willie ng mga payo sa kanyang mga tagasubaybay, hinihikayat ang bawat isa na maging mas mabuting tao, maging mapagmahal at mapagpasensiya sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Pinuri rin niya ang kabutihan ng mga simpleng Pilipino at hinimok silang ipagpatuloy ang pagtulong sa kapwa.
Samantala, matindi ang pag-alma ni Doc Willie sa mga gumagamit ng kanyang pangalan at larawan sa mga pekeng advertisement, lalo na sa mga social media platforms. “Nakakalungkot na may mga gumagamit ng pangalan at mukha ko para sa mga maling layunin. Hindi ko iniendorso ang mga ‘yan, kaya mag-ingat kayo,” babala niya.
Patuloy ang pagtutok ng mga netizen kay Doc Willie at sa kanyang laban sa sakit, at hindi maitatanggi ang malalim na epekto ng kanyang mensahe ng pag-asa at malasakit sa mga Pilipino.
Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.
Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang ‘Kuya Boy’ na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.
Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama’t bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.
News
Clark praises Taylor Swift’s efforts for team
The Hυпts also have a keeп iпterest iп the other kiпd of football — professioпal soccer — the sport their late legeпdary father, Lamar Hυпt, was so iпstrυmeпtal iп briпgiпg to this coυпtry. FIFA aппoυпced last week that while Dallas…
Teaser ng Hello, Love, Again Laman ng Usap-Usapan Sa X
Sa mga social media platform, partikular sa X, usong-uso ang ilang hashtags at paksa na may kaugnayan sa inaasahang sequel ng “Hello, Love, Goodbye,” na pinamagatang “Hello, Love, Again.” Ang pelikulang ito, na tampok ang mga paboritong bituin na sina…
Carlos Yulo Minura Ni Elizabeth Oropesa
Si Carlos Yulo, na dalawang beses nang nagkampeon sa Olympics, ay tumanggap ng sermon mula sa award-winning na aktres na si Elizabeth Oropesa dahil sa patuloy na paglayo nito sa kanyang mga magulang. Sa isang video, hindi napigilan ni Elizabeth…
Boss Toyo, bumili ng libo-libong pisong halaga ng damit sa live selling ni mommy Angelica Yulo
Si Jayson Luzadas, mas kilala sa online world bilang ‘Boss Toyo,’ isang content creator at negosyante, ay ipinakita ang kanyang suporta sa pamilya Yulo matapos niyang bumili ng mga produkto na nagkakahalaga ng libo-libong piso sa isang live selling na…
Carlos Yulo gets PHP2M, Nesthy Petecio PHP300K from Aice after plant tour
Sina Carlos Yulo at Nesthy Petecio ay nakakuha ng kabuuang PHP2.3 milyon pa mula kay Aice. Ivan Saldajeno Ni Ivan Saldajeno MALVAR, Batangas—Patuloy na lumalaki ang mga bonus para sa mga Pinoy Paris Olympics medalists dahil pagkakataon na ni Aice…
Barbie Imperial Excited Nang Makipag-Barilan Sa Batang Quiapo
Handang-handa na si Barbie Imperial na sumabak sa mga matinding eksena sa bagong serye ni Coco Martin, ang ‘Batang Quiapo’. Isa siya sa mga bagong mukha na makikita sa serye, kung saan siya ay gaganap bilang si Tisay, ang bagong…
End of content
No more pages to load