Hanggang ngayon, mainit pa rin sa ilang social media platforms ang naganap na surprise party para sa aktres na si Kathryn Bernardo noong April 2, 2024.
Bukod sa inihandang sorpresa para kay Kathryn Bernardo, nagulat din ang aktres na kabilang sa mga naimbitahang dumalo sa kanyang birthday dinner ay ang dating leading man sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, Alden Richards.Marami ang nakapansin na tila kakaiba ang sweet relationship nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Tila ipinahihiwatig ng dalawa na may namumuong relasyon sa kanilang dalawa base sa mga larawan at video na pinagsamahan nila.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, talagang kinansela ni Alden Richards ang ilang appointment para lang makapunta sa selebrasyon para kay Kathryn Bernardo.
Sinalubong ang aktor ng bouquet of flowers at isang mamahaling regalo para kay Kathryn Bernardo na talagang nagulat at kinilig sa kanyang pagdating.
Umani agad ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang mga larawan at video nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kuha sa nasabing okasyon.
Marami ang nagsasabi na tama ang ginawa ng dalawa at normal lang na nililigawan ngayon ni Alden si Kathryn dahil wala na itong boyfriend.
Marami rin ang kinilig dahil nakahanap na naman si Kathryn Bernardo ng lalaking magpapasaya sa kanya. Mabait naman daw si Alden Richards at hindi niya ito lolokohin.
Samantala, maraming AlDub fans ang hindi nagustuhan ang sorpresa ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo dahil naniniwala pa rin sila na ikinasal na si Alden Richards kay Maine Mendoza at may anak na sila.
Sa kabilang banda, ang umano’y pag-amin ni Alden Richards na nililigawan niya si Kathryn Bernardo at naniniwala siyang walang masama dito ang usapan. Nangako rin siya na if ever sumagot siya, hindi na niya ito lolokohin.
Samantala, inamin umano ni Kathryn Bernardo sa kanyang ina na si Min Bernardo at mga kaibigan na nililigawan niya si Alden Richards.