Si incumbent Lucena City Mayor Mark Alcala ang isa sa mga nanliligaw ngayon sa aktres na si Kathryn Bernardo, ayon sa isang unimpeachable source ng Cabinet Files.
Kilala si Mark ng mga taong mahihilig sa showbiz issues dahil siya ang dating karelasyon ng GMA-7 actress na si Ashley Ortega.
Si Ashley ang kasama ni Mark nang magsumite ito ng kandidatura bilang alkalde ng Lucena City noong Oktubre 8, 2021.
Nanalo siya sa eleksyon na idinaos noong Mayo 9, 2022.
Pero sa panayam kay Ashley noong Marso 3, 2023, kinumpirma niyang naghiwalay na sila ni Mark.
Nangyari raw ito matapos mahalal na mayor ang kanyang dating boyfriend, pero hindi na nagbigay ng ibang detalye ang aktres.
Mayor Mark Alcala and Ashley Ortega
PHOTO/S: FACEBOOK
Noong 2023, naging usap-usapan naman ang diumano’y relasyon ni Mark sa volleyball star na si Mika Reyes, ex-girlfriend ng aktor na si Jerome Ponce.
Sinabi ng Cabinet Files source na naghiwalay na umano sina Mark at Mika kaya malaya nang nakapanliligaw kay Kathryn ang 30-year-old mayor ng Lucena City.
Mika Reyes and Mayor Mark Alcala
CONTINUE READING BELOW ↓
Showbiz personality, baon sa utang dahil sa bisyo! | PEP Blind Item
Walang kinalaman sa showbiz si Mark pero popular siya sa social media.
Bukod sa artistahin ang hitsura, mga kilalang personalidad mula sa entertainment industry at mundo ng sports ang mga nauugnay sa kanya.
Dating atleta si Mark dahil basketball player siya ng La Salle Green Archers noong estudyante pa siya ng business management course sa De La Salle University.
At dahil kabilang siya sa listahan ng most eligible bachelors na public servant, marami ang interesadong malaman ang mga kaganapan sa personal na buhay ni Mark.
Tiyak na lalong pag-uusapan si Mark dahil sa kanyang panunuyo kay Kathryn, na iniiugnay naman sa Kapuso star na si Alden Richards.
Sina Alden at Kathryn ang magkapareha sa pelikulang Hello, Love, Again, na sequel ng kanilang 2019 blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye.
Kasalukuyang kinukunan ang mga eksena nina Alden at Kathryn sa Canada.
Boto ang mga tagahanga ni Kathryn kay Alden para maging boyfriend ng aktres kaya inaasahang may mga reaksiyon sila sa panliligaw ni Mark sa kanilang idolo.
News
Dominic Roque addresses bashing of his post with Kathryn Bernardo: “Mga delulu”
Dominic Roque, a celebrity in the Philippines, has addressed the bashing he has received for posting a photo he took with Kathryn Bernardo. Previously, on September 11, Wednesday, Dominic took to his Instagram to upload a gallery containing snaps he…
Manny Pacquiao Daughter Graduates High School: What Next For Proud Parent ‘Pacman’
The Manny Pacquiao daughter with the huge YouTube channel has added another accolade to the Pacquiao family as Manny enjoys retirement (for now). The Pacquiao family is celebrating a major milestone as their daughter, Mary Divine Grace, affectionately known as…
Jinkee Pacquiao’s All-Pink Ringside OOTD Costs a Jaw-Dropping P2.2 Million
Jinkee Pacquiao never fails to make heads turn every time her husband, Manny Pacquiao, has a boxing match. On Saturday night, August 21, 2021 (U.S. time), the 42-year-old celebrity mom looked youthful in her all-pink outfit at Pacman’s fight with Cuban boxer Yordenis…
Kathryn, Nadine spotted together, sey ng fans: Bigyan ng project ‘yan!
VIRAL ngayon ang picture together ng mga award-winning actresses na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre. Kuha ito sa nagdaang star-studded party ng dermatologist na si Aivee Teo. Sa kanilang mga photso na ibinahagi sa Instagram nitong Miyerkules, September 4, agad ngang nag-viral…
Maynila wish magkaroon ng ‘Carlos Yulo Day’ tuwing August 4
PHOTO: Instagram/@c_edrielzxs BILANG pagpupugay sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, plano ng Manila City government na magkaroon ng tinatawag na “Carlos Yulo Day.” Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang special day ay ise-celebrate tuwing August 4, ang…
Score for Team KathDen: Internet users choose Alden Richards over Jericho Rosales for Kathryn Bernardo
A scene from ‘Hello, Love,Goodbye,’ starring Alden Richards and Kathryn Bernardo, as shot in Hong Kong. Star CinemaMANILA, Philippines — It looks like social media users prefer Alden Richards over Jericho Rosales to pair with Kathryn Bernardo. In a recent…
End of content
No more pages to load