Manny Pacquiao target maging pinakamatandang welter champ

Manny Pacquiao

ISESEMENTO ng nag-iisang eight division world champion na si Manny “Pacman” Pacquiao ang pangalan bilang pinakamatandang kampeon sa welterweight division sa pinaplantsang duwelo laban kay World Boxing Council (WBC) 147-pound ruler Mario “El Azteca” Barrios malamang sa huling bahagi ng taon.

Hulyo 20, 2019 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada nang itatak sa kasaysayan ng noon ay 40-anyos pa lang na si Pacquiao ang hindi inaasahang pangyayari nang ibulsa nito ang World Boxing Association (WBA) (Super) 147-pound title sa pamamagitan ng 12-round split decision laban kay noo’y unbeaten Keith “One Time” Thurman.
Manny Pacquiao targets WBC welterweight title for comeback - World Boxing News
Ibinigay nina Tim Cheatham at Dave Moretti ang parehong 115-112 para kay Pacquiao, habang nakita ni Glenn Feldman ang 114-113 iskor para kay Thurman.

Marami ang nag-akala na katapusan na ng karera ni Pacquiao noong tapatan nito ang mas batang si Thurman na sunod-sunod ang naging panalo kabilang ang unification bout kontra kay Danny Garcia para sa WBC at WBA (Super) title na natapos sa 12-round split decision noong 2017, habang galing naman si Pacman sa magkasunod na panalo laban kina Lucas Matthysse, para sa WBA (World) 147-pound, na nagtapos sa seventh round TKO sa Kuala Lumpu, Malaysia at isa naman kay Adrien Broner noong Enero 2019.

“A lot of people talk about, ‘He’s 45 now.’ Well, y’all are the same people that said he was 40 or 41 before he beat Keith Thurman. So, he’s earned that right if he wants to fight for a world title. He’s shown he still has good hand speed. I’ve seen some of his workouts, so if this is something he wants to do, you have to take it very seriously,” pahayag ng 2022 Ring Magazine Trainer of the Year awardee na si Bob Santos, trainer ni Barrios.

He wants to win again'... Icon Manny Pacquiao aiming for comeback against world champion

Tila pumapabor ang lahat ng panig sa pagbabalik sa professional fight ng tinaguriang “Pambansang Kamao” matapos na sumang-ayon ang kampo ng Mexican-American na si Barrios, maging ng pamunuan ng WBC na si President Mauricio Sulaiman sa pagbibigay ng pagkakataon na lumaban sa world title fight ang Filipino boxing legend.

“The fight is very realistic. Very realistic. Manny wants the fight, we want the fight, and the WBC has already said they would approve the fight,” pahayag ni Santos na ipinagtanggol ang pagkatalo ni Pacman kay Ugas, na minsan ring tinalo ni Barrios sa 12-round decision para sa interim WBC title noong Setyembre 30, 2023 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Inamin ng trainer ng Mexican-American na malaking-malaki ang posibilidad na magaganap ang naturang sagupaan anumang buwan sa Nobyembre o Disyembre lalo na’t nagkasundo ang dalawang panig na nais nilang matuloy ang laban, habang wala namang pagtutol ang pamunuan ng WBC patungkol sa nilulutong sagupaan. (Gerard Arce)

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News