Mark Yulo answers Chloe San Jose's comment

Mark Andrew Yulo (left, with wife Angelica Yulo): “Bakit ayaw niyo tumawag ngayon, wait ko tawag niyo para malaman na nila na sinabihan ni Caloy ang nanay niya na magnanakaw, wait ko tawag niyo.” Chloe San Jose (right, with Carlos Yulo): “matagal na panahon at ilang beses na po kami nag sorry ni caloy at nag try makipag usap po sainyong lahat, pero bakit po ganito?”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Nais nang wakasan ni Mark Andrew Yulo ang hidwaan ng kanilang pamilya kaya hiniling niya sa anak nitong si two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo at girlfriend nitong si Chloe San Jose na mag-usap sila.

Nais ding idiiin ng ama ni Carlos na hindi totoo ang bintang ng magkasintahan na “magnanakaw” ang ina ng gymnast na si Angelica Yulo.

Ngunit ayon kay Mark, hindi sinasagot nina Carlos at Chloe ang kanyang tawag, at hindi rin daw siya tinatawagan ng dalawa.

Ang mga impormasyong ito ay galing sa Facebook comments ni Mark sa Facebook post ni Carlos.

mark yulo TELLS CARLO TO APOLOGIZE TO HIS MOTHER

Sa Facebook kahapon, Miyerkules, September 4, 2024, nag-post si Carlos ng balita na siya ay bibiyahe pabalik ng Paris para suportahan ang mga atletang lumalaban sa Paris Paralympics 2024.

Sabi ng champion gymnast sa caption (published as is): “Embarking on the journey to meet alike athletes that ‘started’ their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!”

Dito ay nagkomento si Mark na masaya siya sa narating ng anak.

Pero, kailangan daw muna nitong mag-sorry sa inang si Angelica Yulo na diumano ay tinawag niyang “magnanakaw.”

Aniya, “Masaya ako sa narating mo nak Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw para luminis yang imahen mo”