mark andrew yulo carlos and chloe

Mark Andrew Yulo (left) on son Carlos Yulo and his girlfriend Chloe San Jose (right): “Ipagdasal na lang natin si Caloy saka si Goldie. Ano sila, e, nasa alapaap, e. Hindi pa nila alam yung mga mangyayaring karma. Joke lang.”
PHOTO/S: Mark Andrew Yulo Facebook / @chloeanjeleigh on Instagram

Natuklasan ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo ang kapangyarihan ng social media dahil hindi na “profile locked” ang kanyang Facebook account.

Aktibong-aktibo na rin siya sa Facebook Live.

At press time, meron nang 36,000 followers at patuloy na nadaragdagan ang Facebook page ni Mark.

Tuwang-tuwa ang ama ni Carlos dahil sa stars at perang ipinadadala ng mga nakikisimpatiya sa kanilang pamilya kaya maluwag sa kalooban niyang ipamigay ang kanyang GCash account number.

mark andrew yulo facebook live

Mark Andrew Yulo 
Photo/s: Mark Andrew Yulo Facebook

MARK ANDREW TAKES A SWIPE AT CARLOS AND CHLOE

Pero may panganib na hatid ang pagiging aktibo ni Mark sa Facebook Live. Dahil sa mga sinasabi niya, lumalaki ang posibilidad na lumalim pa ang hidwaan nila ng kanyang anak na two-time Paris Olympic gold medalist.

Sa Facebook live ni Mark noong Biyernes ng gabi, Setyembre 6, 2024, nagkomento ang isang follower na malapit ang tinitirhan nito sa condominium building na tinutuluyan ni Carlos sa Taguig City.

Pabirong sabi ni Mark, “Pakibatukan nga si Caloy diyan. Malapit ka pala sa condo niya. Pakibatukan nga si Caloy diyan kapag nakita mo.”

Sa tanong ng isang follower kung ginatasan niya si Carlos, sumagot si Mark ng: “Paano ko ginatasan? Baka ako ang ginatasan ni Caloy. Kinuha niya yung semilya ko tapos ginanyan lang niya kami?”