Coco Martin deactivates Instagram account

Did Coco Martin deactivate his Instagram account following Solicitor General Jose Calida’s tirades against him?
PHOTO/S: File

Hindi na mahanap ang Instagram account ng Kapamilya actor na si Coco Martin.

Kagabi, June 5, ipinagtaka ng followers at tagahanga ng 38-year-old star kung bakit hindi na mahanap ang kanyang verified account sa Instagram na @mr.cocomartin.

May mahigit sa tatlong milyong followers ang account ni Coco sa nasabing social media platform.

May 26 nang huli siyang nagpost sa Instagram, ilang oras makalipas ang unang hearing ng Kongreso tungkol sa ABS-CBN franchise.

Dito ay sinabi niyang, “Lalaban kami at maninindigan!!!” patungkol pa rin sa aniya ay hindi makatarungang pagpapasara ng kinabibilangang istasyon.

“Lumaban para sa karapatan at manindigan para bayan!!!,” ang nakasaad naman sa kanyang isa pang post noong May 26 din.
Read more about

Coco Martin

Isa si Coco sa matapang na naglalabas ng kanyang saloobin sa social media laban sa ilang ahensiya ng gobyerno matapos magpaalam sa ere ang ABS-CBN noong May 5.

Kasunod ito sa cease and desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) isang araw matapos mapaso ang prangkisa ng istasyon.

HOT STORIES

0

Local News
NTC orders ABS-CBN to stop all broadcast operations

MAY 5, 2020

0

Local News
Coco Martin on ABS-CBN franchise woes: “Lalaban kami at maninindigan!!!”

MAY 27, 2020

0

Local News
Coco Martin appeals to public to cooperate with government to curb COVID-19

MAY 19, 2020

0

Local News
Coco Martin says making Ang Probinsyano is a service to the country

MAY 11, 2020

COCO DEACTIVATES IG AFTER SOLGEN CALIDA’S TIRADES?

Noong nakaraang June 1, sa pangalawang hearing ng Kongreso para sa ABS-CBN franchise, binuweltahan ni Solicitor General Jose Calida si Coco.

Kahit may iba pang nagsasalitang artista tungkol sa ABS-CBN franchise katulad nina Angel Locsin, Kim Chiu, Vice Ganda, at Angelica Panganiban, si Coco lamang ang tanging binanggit ng abugado ng gobyerno sa kanyang pahayag.

Saad pa ng SolGen, ginamit ng mga artistang ito ang social media para impluwensiyahan ang kanilang mga tagahanga upang lituhin ang isyu at mangalap ng suporta para sa ABS-CBN.

Sabi ni SolGen Calida, “For the past few days ever since ABS-CBN supposedly went off the air, their stars and celebrities have taken to social media to rail against what they perceive to be oppression on the part of the government.

CONTINUE READING BELOW ↓

Barbie Forteza at Jak Roberto, HIWALAY NA! | PEP Hot Story

“In desperation, they would want to use their influence over their multitudes of fans to muddle the issue and drum up support for their network.”

Dagdag pa ng SolGen sabay banggit sa pangalan ng Ang Probinsyano actor, “One of the more prominent stars who spoke against the government is Coco Martin.

“He said in a social media post addressed to me that and I quote, ‘Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako.'”

Ang mga pananalitang sinabi na ito ni Calida ay hango sa mga katagang nabanggit ni Coco sa #LabanKapamilya Facebook Live noong May 8.

HOT STORIES

0

Local News
SolGen Jose Calida hits Coco Martin during ABS-CBN franchise hearing

JUN 1, 2020

0

Local News
Coco Martin lambasts government anew over ABS-CBN shutdown: “Buti pa yung POGO, ipinaglalaban niyo!”

MAY 9, 2020

0

Local News
Coco Martin loses cool with ABS-CBN bashers: “Hindi namin kayo kailangan sa buhay namin”

MAY 7, 2020

0

Local News
Coco Martin furious over ABS-CBN shutdown: “Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao kayo…”

MAY 5, 2020

CALIDA ON COCO: “I WOULD HAVE CALLED HIS BLUFF AND MAKE HIM EAT HIS WORDS.”

Matapang din na pinalagan ni Coco ang pag-issue ng NTC ng cease and desist order laban sa kanyang home network.

Ayon pa sa aktor, hindi raw niya mawari kung bakit sa gitna pa ng COVID-19 pandemic ito nangyari na tila panggigipit sa ABS-CBN.

Sabi pa ni Coco sa isa pa niyang Instagram post noong May 5, “Kasi kung mananahimik tayo, aabusuhin tayo!

“Para tayong batang kinotongan, at pagkatapos kapag nagkita kayo, anong expect natin?

“Kasi ito na yung pagkakataon natin. Wala na tayong trabaho! Anong iniingatan natin?!

“Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako nang patayan sa ‘yo! Kahit patayin niyo pa ako!”

Hindi ito nakaligtas sa SolGen.

Sabi pa ni Calida sa kanyang opening statement sa Kongreso kung saan binasa niya ang ilang bahagi ng post ni Coco, “’Maraming salamat Solicitor Joe Calida at sa bumubuo ng NTC sa kontribusyon ninyo sa ating bayan.

“’Tinarantado ninyo ang mga Pilipino.’”

Buwelta ni Calida kay Coco, “He feels that he can solve problems the same way as he solves them on screen with macho bluster and bravado.

“Allegedly he has apologized for his tantrums.”

Diin pa ng Solicitor General, “Coco Martin’s outburst showed a clear lack of understanding of the situation.”

Kung hindi lang daw siya top-ranking government official ay kakasa raw si Calida sa hamon ni Coco.

Tila paghahamon pa niya, “If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words.”

Sa Lunes, June 8, magkakaroon muli ng pagdinig ang Kongreso tungkol sa ABS-CBN franchise renewal.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News