(Left) Miguel Tanfelix plays the troublemaker Kidlat in GMA-7’s new primetime series, Mga Batang Rieles; (right) Coco Martin in a heart-pounding action scene in the top-rating series, Batang Quiapo.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
GORGY RULA
Nakatanggap kami ng mga komento sa radio program namin sa DZRH na nagustuhan nila ang pilot episode ng Mga Batang Riles sa GMA-7 noong Lunes, January 6, 2025.
Ayon sa mga nagkomento, nagustuhan nila ang pagsisimula ng kuwento at nagalingan sila sa mga artistang bumubuo ng bagong action-drama series ng Kapuso network.
Ang galing daw ng mga kabataang bida, sa pangunguna ni Miguel Tanfelix bilang Kidlat. Pero hindi pa raw lumalabas ang karakter ni Kokoy de Santos, bilang Kulot, na magaling din sa aktingan.
Read: Antonio Vinzon bags lead role in GMA-7’s Mga Batang Riles
Photo/s: GMA Network
Ang pilot episode ng Mga Batang Riles ay nakapagtala ng 10.4% aggregated ratings — mula sa iba’t ibang channels na pinagpalabasan nito.
Habang ang katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo, na pinagbibidahan ni Coco Martin, ay may aggregated ratings na 15%.
Pero ang rating ng Mga Batang Riles sa GMA-7 ay 8.6%, at ang Batang Quiapo naman sa TV5 ay 7.9%.
Kung magiging consistent na maganda ang bawat episode ng Mga Batang Riles, magiging maganda ang tapatan nila sa nangungunang Batang Quiapo.
Read: Miguel Tanfelix views fame as “both blessing and a curse”
IT’S SHOWTIME NO LONGER AIRING ON GTV
Samantala, napansin din namin nung Lunes, Enero 6, na hindi na pala napapanood sa sister network ng GMA-7 na GTV ang It’s Showtime, kaya medyo bumaba ang aggregated ratings ng noontime show.
Bukod sa GMA 7, napapanood din ang It’s Showtime sa A2Z, All TV, at Kapamilya Channel.
Naka-6% ang It’s Showtime, habang ang katapat nitong Eat Bulaga! ay naka-3.2%.
Read: It’s Showtime “will continue to air in GMA in 2025”
Kahit ang All-Out Sundays ay wala na rin pala sa GTV, kaya bumaba rin ang rating nito noong Linggo, Enero 5.
Naka-live streaming pa rin ang AOS, pero wala na silang online hosts kapag nagko-commercial break.
Live ang All-Out Sundays noong Linggo, at naka-2.9% lamang ito.
Dumikit ang katapat nitong ASAP Natin ‘To, na naka-2.4%.
Wala pa kaming nakukuhang sagot kung bakit wala na sa GTV ang It’s Showtime at All-Out Sundays.
Read: Kathryn at Alden, umikot sa Kapuso programs nitong weekend
JERRY OLEA
Pasabog ang pagbubukas ng bagong taon para sa FPJ’s Batang Quiapo sa pagdiriwang nito ng ika-100 linggo, at sa pagsisimula ng ikalawang taon ng Kapamilya teleserye simula Enero 6, Lunes.
Sa isang teaser na inilabas ng ABS-CBN, nagbabadya ang makapigil-hiningang sagupaan sa mga susunod na episode tampok ang mga engkuwentro ni Tanggol (Coco Martin).
Kaabang-abang ang muling paghaharap nina Tanggol at Olga (Irma Adlawan) kung saan isang buhay ang malalagay sa panganib nang biglang sumulpot si Marites (Cherry Pie Picache) sa bakbakan ng dalawa.