Coco Martin napahanga kay Julia Montes: Dinaig ako, sobrang ganda!

Coco Martin napahanga kay Julia Montes: Dinaig ako, sobrang ganda!

NAPAPAIGTAD daw si Coco Martin sa mga eksenang binubugbog ang love of his life na si Julia Montes pelikulang “Topakk” na pinagbibidahan ni Congressman Arjo Atayde.

Ginanap ang celebrity screening ng “Topakk” na entry ng Nathan Studios ngayong 50th Year ng Metro Manila Film Festival na sa Gateway Cinema 11 kagabi.

Kuwento ng nakatabi ni Coco sa upuan sa tuwing bubugbugin si Julia ay medyo naiiba ang reaksyon nito pero kitang-kita na sobrang proud ang bida at direktor ng FPJ’s Batang Quiapo para sa aktres.

Aba’y oo naman sa galing ni Julia sa aksyon na rati’y dramatic actress ito, pero ngayon ay tila nagugustuhan n anito ang action dahil na rin siguro sa kanyang kasintahan.

Baka Bet Mo: Coco Martin gagawa ng mga indie movie na ilalaban sa int’l filmfest

Komento nga ni Coco sa ABS-CBN news, “Dinaig ako. Sobrang ganda. Ito ang action. Kumbaga, nakaka-miss. Thank you sa ‘Topakk’ kasi sa December 25, may mapapanood ang mga lalaki, mga barako, may pelikula silang aabangan. Para sa akin, para siyang nag-upgrade. Para siyang pang-international na talaga. Nakaka-proud, para kay Direk Richard Somes, kay Arjo, kay Julia, kila Sid.”

Maiksi lang ang komentong ito ni Coco ay malaking tulong ito sa promo ng Topakk dahil galing ito mismo sa kasalukuyang Primetime King dahil hindi matalu-talo ang ratings ng Batang Quiapo at ilang program ana rin ang tumapat pero hindi nagwagi.

Akala nga namin ay hindi darating ang aktor dahil nagsimula na ang screening ay hindi pa namin siya nasisilayan at pasimple siyang dumaan sa harapan namin na ang eksena ay pupugutan na si Enchong Dee ng mga taong kalaban nila sa bundok.

Pagkatapos ng screening ay kaagad nang umalis si Coco dahil may taping pa ito kinabukasan na ang call time ay 7AM kaya ang mga taga BQ ay hindi na nila tinapos ang pelikula dahil malalayo pa ang mga uuwian nila.

Maging si direk Richard ay nagpakita lang sa cast party sa Solaire North at nagpaalam pagtuntong ng 1AM dahil sa maagang taping.

Speaking of Julia ay abut-abot ang pasalamat niya sa lahat ng pumuri sa action scenes na ginawa niya sa Topakk dahil sulit ang mga minor accident na nangyari sa kanya habang sinu-shoot ang pelikula a year after the pandemic.

Sabi nga ng iba ay ‘goodbye’ Angel Locsin na ilang beses nang nagpakita ng galing niya sa action scenes pelikula at TV series, si Erich Gonzales sa pelikulang We Will Not Die Tonight (2018) na si Richard Somes din ang direktor at Cristine Reyes sa pelikulang Maria (2019) na idinirek ni Pedring Lopez

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba rin naman kasi ang atake ni Julia sa Topakk at napanood na rin naming siya sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya alam din namin ang kapasidad niya pagdating sa action lalo’t isa si Coco sa nagturo sa kanya bago siya sumalang noon sa serye.

Mapapanood na ang Topakk simula sa December 25 sa lahat ng sinehan nationwide dahil dalawa ang ratings nito, R-16 at R-18 handog ng Nathan Studios.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News