Nadine Lustre, Bea Binene do a horror movie together.

nadine lustre bea binene nokturno

Nadine Lustre (left) on starring in a horror movie with Bea Binene (right): “Hindi kami directly nagka-work ni Bea, but we were in Party Pilipinas when I was still with the Pop Girls, so nagkita-kita na kami before. So, ngayong nagkita ulit kami, parang hindi naman siya total stranger to me.”
PHOTO/S: Viva Films

Magsasama sa kauna-unahang pagkakataon sina Nadine Lustre at Bea Binene sa Nokturno, ang horror movie na balak isali ng Viva Films sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre 2023.

Dati nang magkakilala ang dalawa dahil nagkatrabaho sila noon sa Party Pilipinas, ang defunct Sunday noontime variety show ng GMA-7.

Sa ginanap na story conference ng Nokturno, ikinuwento ni Nadine na miyembro pa siya ng all-girl group na Pop Girls nang makasalamuha niya si Bea sa Party Pilipinas.

“Hindi kami directly nagka-work ni Bea, but we were in Party Pilipinas when I was still with the Pop Girls, so nagkita-kita na kami before.

“So, ngayong nagkita ulit kami, parang hindi naman siya total stranger to me.

“Nagkakausap na rin kami before. May pinuntahan kaming event, so hindi na siya total stranger.

“But I am really excited to do it with a new cast this time around, kasi siyempre, ang saya ng ibang meron nang katrabaho.

“I’m really looking forward to working with Bea,” sabi ni Nadine tungkol sa pagsasama nila ni Bea sa bagong horror movie na pangungunahan niya.

Kinumpirma ni Bea na dati na silang nagsama ni Nadine sa Party Pilipinas dahil sa mga dance production na ginagawa nila noon kaya excited siya sa pelikulang kanilang gagawin.

“I am just really excited and now, we belong to one home, one roof now under Viva Artists Agency,” sabi ni Bea, na kinakabahan dahil isang horror movie ang proyekto nila ni Nadine.

Mag-iisang taon na mula nang lumipat si Bea sa talent management agency ng Viva Entertainment noong September 23, 2022.

Read: Bea Binene, “pinagpala” dahil may proyekto agad sa Viva

Kamakailan lang, pumirma siya ng exclusive movie contract sa Viva Films at Studio Viva.

Ang The Rain in España ang original series na unang proyekto ni Bea para sa Viva One.

Masusundan ito ng Safe SkiesArcher na mapapanood sa October 2023.

Isa rin si Bea sa mga bida ng Philippine adaptation ng hit Korean movie na Sunny na pagbibidahan nila nina Heaven Peralejo at Aubrey Caraan.

Mapapanood si Bea sa isang episode ng For The Love, ang Saturday afternoon romance anthology ni Pops Fernandez sa TV5.
Read more about

Nadine Lustre
Bea Binene
Nokturno
Party Pilipinas

Si Gab Lagman ang leading man ni Bea sa For The Love episode at ito ang kanilang unang on-screen partnership.

“So excited for what’s coming,” pahayag ni Bea.

Taos-puso ang pasasalamat ni Bea dahil sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan at sa mga sunud-sunod na proyektong ibinibigay ng home studio niya.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News