Sikat ang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na binansagang KathNiel.
Paano ikukumpara ni Nadine Lustre ang tambalan nila ni James Reid na JaDine?
“Ang advantages po, people are comparing, like what we said kanina sa presscon proper, yung level ng KathNiel, mataas na.
“And for us to be compared to that kind of ano [level], very flattering for us. Kasi we’re beginning, e.”
“COPYCAT” OF KATHRYN? Dati nang pinansin ang pagkakahawig niya kay Kathryn.
Ani Nadine, “Opo. Sinasabi nila copycat. Pero I don’t get affected naman.”
Sinasabi rin ng marami na kamukha niya si Kathryn at magkasingtunog pa sila ng boses?
“Well, I can’t do anything about it. I guess, yung tipo ni Kath at yung sa akin, pansinin, e.
“Pero a lot of people naman are telling me I don’t [look exactly like her]. Siguro in some angles, I don’t. I really don’t bother naman.”
May mga pagkakataon bang napagkakamalan siyang si Kathryn sa public place?
“Oo, like sa mall. ‘Ay, Kath pa-picture naman!’
“Hindi po ako si Kath.”
Nao-offend ba siya sa ganitong sitwasyon?
Saad niya, “No, naman. I just feel bad lang for the person kasi baka ma-disappoint siya.”
May conscious effort ba na baguhin niya ang image niya dahil dito?
“Yes po. There is with the hair, with the styling. Pero I think sa features kasi, parang halos pareho,” pahayag pa niya.
Sabi pa ni Nadine, wala pa raw pagkakataon na nagkita at nagkausap sila nang harapan ni Kathryn.
Pero pinanood daw ni Nadine ang mga pelikula ng KathNiel.
“Yeah, nakakakilig naman talaga sila. Even my friends kinikilig naman talaga sa kanila, like yung mga 20 years old, 21, 22? I’m supposed to watch She’s Dating a Gangster but I don’t have time.”
Inaasahan na raw ni Nadine na makukumpara ang pelikula nila sa kakalabas pa lang na movie nina Daniel at Kathryn.
Sabi pa ng VIVA princess, “I’m sure maku-compare pero I think I’m not pressured naman by it.”
Kaya ba nilagyan ng maraming kissing scenes ang pelikula nila para maiba sa tema ng mga pelikulang ginagawa ng ABS-CBN stars?
“Actually, the book po kasi, the story is really like that. And I think since I’m 20 [years old] at hindi na ako bata. Hindi na ako pa-teenybopper, yun po. Okey lang naman [sa kissing scenes].”
Ano sa tingin niya ang pagkakaiba nila ni Kathryn?
“With me naman kasi, I’m more mature than Kath. With this movie, mas mature yung ginagawa ko.” — Rey Pumaloy, PEP