Petite (left) and Awra Briguela (right) are both being handled by Vice Ganda. “Kung sakaling may mali ka, pagsasabihan ka niya, pero ikaw lang, hindi sa marami. Nananabon siya, pero dinidisiplina niya kami. Pinagsasabihan niya kami, ‘Ano yung mga ginagawa mo?’” says Petite about Vice as manager.
PHOTO/S: @petitebrockovich / @awrabriguela on Instagram
GORGY RULA
Maingat ang sagot ng stand-up comedian na si Petite, Vincent Aycocho sa tunay na buhay, nang tinanong siya tungkol sa isyu ni Awra Briguela.
Magkasama ang dalawa sa kuwadra ng talent management ni Vice Ganda.
Read: Petite, dismayado sa kapwa niya Star Image Artist Management talents na sina Gabo at Buknoy Glamurrr
Natanong kasi ito kay Petite sa mediacon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry na Broken Hearts’ Trip na ginanap sa Fin and Claw, Quezon City, nung nakaraang Sabado, November 4, 2023.
“Masaya kami. Saka bongga si Meme magbigay ng mga projects. Kung sakaling may mali ka, pagsasabihan ka niya, pero ikaw lang, hindi sa marami.
“Nananabon siya, pero dinidisiplina niya kami. Pinagsasabihan niya kami, ‘Ano yung mga ginagawa mo?’
“Hindi ka niya pinapahiya, pinagsasabihan ka niya na kayo kayo lang, walang ibang tao,” pagtatapat ni Petite.
Wala raw alam si Petite kung ano na ang nangyari sa kaso ni Awra. Hindi naman daw siya nagtatanong.
Nagpapaka-behave na lang daw siya para hindi mapagsabihan at hindi maging sakit ng ulo ng kanyang manager.
Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline
“Hindi kasi ako palalabas. Ako yung taong after work, uwi na. Usually, ako yung work, church, bahay,” pakli ni Petite.
Sinimulang i-manage ni Vice si Petite noong 2021.
Bukod kina Petite at Awra, mina-manage din daw ng Unkabogable Star sina Ate Girl Jackie Gonzaga, Zeux Collins, at ang partner nitong si Ion Perez.
Hindi masabi ni Petite ang buong pangalan ng talent management office nila, pero JMV daw ito mula sa pangalang Jose Marie Viceral ni Vice Ganda. May handlers daw silang siyang nag-aayos ng kanilang schedule.
“Marami kami, e. Sobrang hands-on siya, at talagang lahat ng detalye alam niya.
“Hindi puwede yung basta pipirma siya. May opisina po kami at doon pinag-uusapan ang mga bagay bagay,” sabi pa ni Petite.
Kahit marami pang raket si Petite, tuloy pa rin siya sa gigs niya sa comedy bars. Hindi na raw pinapakialaman yun ni Vice Ganda.
“Yung gigs, hindi ko puwedeng pabayaan yun kasi parang hasaan po namin yun. Hindi talaga puwedeng mawala, at saka yun ang first kong trabaho e,” sey pa ni Petite.
Read: Vice Ganda on Awra Briguela after Makati bar scuffle: “Hinding-hindi ko siya iiwanan…”
JERRY OLEA
Walang pelikulang kalahok si Vice Ganda ngayong Metro Manila FIlm Festival. Sana, suportahan daw ng supporters ni Meme Vice ang pelikula ni Petite na Broken Hearts’ Trip.
Kuwento ni Petite, natagalan bago napa-oo si Vice na tanggapin itong Broken Hearts’ Trip.
“Yung management po namin ang pinakahuling pumirma sa kontrata kasi si Meme, sobrang hands-on talaga siya.
“Hangga’t hindi pa na-release yung buong detalye ng script, pinapadala sa kanya.
“So, siya ang nagsabi na, ‘O, tatalon ka sa falls, itutulak ka sa bangin, ilulubog ka sa dagat, kaya mo ba?’
CONTINUE READING BELOW ↓
Jericho Rosales on Janine: “We really like each other a lot.” | PEP Interviews
“Sabi ko, ‘Kaya ko.’ ‘Okay!’ Saka lang niya pinirmahan. Ganun siya.
“Sa akin, para ito kay Meme, kasi sobrang tiwala niya sa akin,” sambit ni Petite.
Pagkatapos ng mediacon ng Broken Hearts’ Trip, naka-schedule na raw ang pag-alis ni Petite papuntang Amerika para sa series of shows. Nakipagkita raw muna siya kay Vice Ganda para magpaalam.
“Kagaya ko, kasi paalis ako ng Amerika. Nagpaalam ako sa kanya.
“Sinasabihan talaga ako ni Meme, ‘Yung gamot mo huwag mong kalimutan, yung maintenance,’ mga ganun.”
NOEL FERRER
Yun na rin yata ang trend ngayon ng mga icons — artists managing other artists.
Parang Ogie Alcasid managing fellow young singers, okat itong si Vice managing young comedy talents, too.
Maganda iyan, hindi nila sinasarili ang natutunan nila at tinutulungan nilang i-develop ang mga susunod na henerasyon na mga talents. Ganyan umuunlad ang industriya.
Basta dapat hindi pasaway ang mga talents, kasi laging reflection sila ng kanilang principal o manager!