TV ratings vs online views: anong shows ang talagang pinapanood?

dingdong vice coco tv ratings

(From left) Dingdong Dantes’s Family Feud, Vice Ganda’s It’s Showtime, and Coco Martin’s Batang Quiapo are consisent topraters among TV viewers and online viewers.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

GORGY RULA

Kapansin-pansin ang pagbaba ng viewership sa telebisyon dahil karamihan ay sa online na nanonood.

Mas madali kasi at convenient panoorin ang TV shows sa cellphone anytime. Pero may panahon ding mas gusto ng mga taong sa telebisyon na lang manood.

May mga programang mahina sa free TV, pero malakas sa online.

Read: Kathryn at Alden, umikot sa Kapuso programs nitong weekend

Pero ang major na basehan pa rin ng advertisers ay ang ratings sa free TV, o ang Nielsen TV ratings.

Wala pa raw kasing system kung paano ime-measure ang online ratings. Inaayos pa raw ito, sabi ng ilang sources namin.

Kaya kung ang nababasa natin sa press release na malakas ang isang programa, maaring sa online lang ito. Meron ding sa free TV ang basehan.

Pagalingan na lang sa press release.

NOVEMBER 15 RATINGS

Kagaya nitong guesting ng KathDen sa Family Feud noong November 8.

Naka-9.8% lamang ito sa ratings ng Nielsen TV. Pero mataas ito online, nag-trending pa ang ibang comments ng fans.

hello love again family feud

Photo/s: GMA Network

Ang guesting ng Bubble Gang group, na nag-promote sa kanilang 29th anniversary, sa Family Feud ay naka-10.7%. Pero hindi naman ito kasinlakas ng KathDen guesting sa online.

May ganun nang consideration sa pagtingin kung alin sa mga programa natin ang malakas.
Read more about

TV ratings

So far, ang masasabi nating malakas sa free TV at online ay ang Family Feud ni Dingdong Dantes, ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin, at ang It’s Showtime nina Vice Ganda.

Narito ang ratings ng iba pang programa noong Biyernes, November 15:

Ang It’s Showtime ay 7.3%, at ang Eat Bulaga! ay 3.6%.

Ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ay 7.7%, ang Shining Inheritance ay 6.9%, at ang Forever Young ay 6.3%.

Ang Face To Face ni Korina Sanchez sa TV5 ay hindi pa gaanong pumalo sa ratings. Naka-0.7% lamang ito noong araw na yun.

Ang Wil to Win ni Willie Revillame ay 1.7%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.2%, at ang Love at First Night ay 3.4%.

Read: Ratings game, nananatiling nasa pabor ng GMA-7

JERRY OLEA

NOVEMBER 16 RATINGS

Okay rin ang ratings sa primetime noong Sabado, November 16, kahit bumabagyo sa ibang lugar.

Dito naman sa Kamaynilaan ay nasa labas ang karamihan ng mga tao dahil bagong suweldo.

Ang 24 Oras Weekend ay 9.8%, pero ang TV Patrol Weekend ay 1.3%, at ang Frontline Pilipinas Weekend ay 2%.

CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Pepito Manaloto naman ay 10.9%, at ang Rated Korina ay 3.8%.

Okay rin ang rating ng The Clash na naka-11.9%, at ang Rainbow Rumble ay 5%.

NOVEMBER 18 RATINGS

Noong Linggo, November 18 ay madami-dami na rin ang nanood ng 73rd Miss Universe na umere sa A2Z at Kapamilya Channel. Naka-2.3% ito.

Read: Miss Denmark wins Miss Universe 2024

Ang iBilib ay 2.3% din, pero ang Kapuso Movie Festival ay 3.4%.

Ang All Out Sundays ay 3.8%, at medyo dumikit ang ASAP Natin ‘To na naka-3.2%.

Sumunod ang GMA Blockbuster na 3.4%, ang Regal Studio Presents ay 4%, at ang Resibo ay 6.8%.

Pagdating sa primetime, ang taas ng rating ng Bubble Gang na nag-celebrate ng kanilang 29th anniversary. Naka-13.8% ang part one nito.

Sa darating na Linggo, November 24, ang part two.

Ang 24 Oras Weekend naman ay 13.9%, at ang TV Patrol Weekend ay 2.2%.

Ang taas din ng The Voice Kids na 14.9%, at ang Rainbow Rumble ay 4.1%.

Sumunod ang Kapuso Mo Jessica Soho na 15.5%, at ang replay ng Miss Universe ay 0.8% na lang.

Ang The Boobay and Tekla Show naman ay 3.5%.

Read: Dingdong finds hosting The Voice Kids “emotionally difficult”

NOEL FERRER

Kahit ako, naka-glue sa TV kahapon, Linggo, sa pag-aabang ng updates sa bagyong Pepito.

That may explain kung bakit tumaas nang bahagya ang viewership ng mga TV shows.

WEATHER FORECAST

Ang tanong ko ngayon: anyare sa weather forecast na naging basehan sa cancellation ng klase ngayong Lunes, Nobyembre 18?

Parang kailangan talagang mag-usap ang mga sangay ng gobyerno. How do they make their assessments more accurate?

Or at the very least, explain further and justify their decisions so the public understands.

Ibang usapin pa yun sa issue ng compliance natin o ng mga schools like Ateneo.

It’s really government that should make the call about weather-related class suspensions kasi sila ang may data.

Pero anyare ba talaga? Sana, na-explain din un sa tv (at yung traditional media), di ba?

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News