Matapos ang mahigit isang taon, nagkita na ulit ang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis sa Gandemic concert ng una noong July 17, 2021.
PHOTO/S: Screen Grab from Gandemic: The VG-Tal concert
Hindi tinupad ni Vice Ganda ang pangako nitong dalawang oras na puno ng kasiyahan at katatawanan ang Gandemic: The VG-Tal Concert.
Ang first-ever digital concert niya na naganap Sabado ng gabi, July 17, 2021, at napanood sa ktx.ph streaming site, ay tumagal ng tatlong oras, mula 9 p.m. hanggang 12 midnight).
Highly entertaining ito kaya sulit na sulit ang ibinayad ng mga nanood.
Ang guesting ni Anne Curtis ang isa sa mga highlights ng Gandemic dahil ngayon lamang muling napanood na nag-perform ang TV host-actress mula nang isilang nito ang anak na si Dahlia noong March 2020.
Nagkaiyakan sina Vice at Anne sa kanilang unang pagkikita simula noong nag-maternity leave ang huli simula December 2019.
Ni hindi sila nagkaroon ng rehearsal para sa production number nila.
Hindi pumayag si Vice na magkaroon pa sila ni Anne ng rehearsal dahil alam niyang hindi lumalabas ng bahay ang kanyang kaibigan para sa kapakanan ng baby nitong si Dahlia.
“Hindi kami nagkita talaga at all. Hindi kami nagkita sa rehearsal.Ito lang yung first time [actual performance]. Gusto ko dito lang tayo magkikita, at saka ayokong lumabas ka. Siyempre, may bagets. Sabi ko, one time big time lang lalabas si Anne. Huwag nang palabasin.
“Kanina, naiiyak na ako nang makita kita, pero sabi ko hindi. I really miss you so much,” ang sabi ni Vice na hindi mapahindian ni Anne kaya tinanggap nito ang imbitasyon na maging bisita siya sa Gandemic.
Bulalas ni Anne, “Ikaw lang talaga ang makapagpapalabas sa akin nang ganito, to do this again.”
Sabad ni Vice, “Hindi kasi siya lumalabas kasi, siyempre, may baby kaya nga isang tawag ko lang sa kanya, nag-yes naman siya, pero suntok sa buwan iyon. But I would understand if you will say no. Siyempre, nanay, hindi naman rampa-rampa lang ito.
“Alam mo ang saya ko, nag-guest ka, pero bukod doon, ang pinakamasayang part, nakita kita uli.
“Yung mga kinanta natin, puro para sa iyo talaga iyon, I am officially missing you,” ang kuwento ni Vice tungkol sa muling pagkikita nila ni Anne.
Pahayag ni Anne, “Ang ganda ng mga pinili mong songs, pero kaya rin ako naiiyak kasi ang hirap nilang kantahin.”
CONTINUE READING BELOW ↓
Darren Espanto on message for Vice Ganda and reaction to Gary V’s health issue | PEP Interviews
Pinagbigyan ang request ni Vice na kantahin ni Anne ang “I Will Always Love You,” ang birit song ni Whitney Houston na pinilit niyang mabigyan ng hustisya pero katatawanan ang resulta.
Dugtong ni Anne, “Ang feeling ko naman, gumanda yung voice ko kahit papaano kaya lang, may pinipili na lang talaga siyang kantahin nowadays.”
Nang tanungin siya ni Vice tungkol sa bagong kabanata ng kanyang buhay bilang isang ina, sagot ni Anne, “Honestly, it’s the best thing in the world. It’s the best thing that ever happened to me. Bringing life into this world and having my own, hindi nga mini me, mini Erwan.”
Inulit rin ng aktres ang kanyang pangako na babalik siya sa It’s Showtime kaya dapat na maging kalmado lang ang mga tagahanga niya.