After skipping the annual MMFF in 2023, box-office star Vice Ganda returns for the 50th anniversary of the film festival via And The Breadwinner Is…
PHOTO/S: Gorgy Rula / The IdeaFirst
JERRY OLEA
Excited si Vice Ganda na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 ang pelikula niyang And The Breadwinner Is…
“Espesyal ang taon na ito, 50th anniversary ng MMFF,” sabi ni Vice bago ang announcement ng Final 5 entries ng 50th MMFF nitong Oktubre 22, 2024, Martes, sa The Podium, Mandaluyong City.
Read: Vilma-Aga, Judy Ann-Lorna, Arjo-Julia M., Carlo-Julia B., FranSeth movies make it to MMFF 2024
“So, may milestones sa Metro Manila Film Festival. So, ikinagagalak ko din naman na makasama sa taong ito dahil ilang taon din naman akong halos taun-taon na nandidito.
“So siyempre iba… iba yung 50th, e. So, golden year ng ano, ng film festival kaya gusto ko din talaga.
“Kaya nung nagpahinga ako last year, sabi ko, ‘Sana makabuo tayo next year, kasi 50th ng filmfest, para kasali naman ako dun dahil mahalagang-mahalagang bahagi at panahon ito para sa Metro Manila Film Festival.’
“At pinagpala ako dahil itong entry ko, e, ang nagdirek, e, si Direk Jun Lana, at IdeaFirst ang naging katuwang ng Star Cinema, ABS-CBN, para ma-produce itong pelikula namin na nakakatuwa.
“Kasi this year, dito sa And The Breadwinner Is… , nung binubuo pa lang nila yung pelikula, they have been planning to introduce…
“ABS-CBN, Star Cinema, and IdeaFirst, they have been planning to introduce a… sabi nila, ‘Vice Ganda New Movie Era.’ Sabi nila.
“So ito daw yun, itong And The Breadwinner Is… Kaya excited na excited na po akong panoorin. First time kong gumawa ng pelikula na hindi pina-preview sa akin.
“Regalo daw po nila sa akin sa Pasko. Di nila pina-preview dahil sabi nila, ‘Gusto naming mapanood mo sa premiere night itong regalo namin sa iyo.’”
Read more about
Vice Ganda
MMFF 2024
And The Breadwinner is
MMFF ICONS
Kabilang si Vice sa 16 MMFF Icons na nasa Pilot Mural Painting sa EDSA kaugnay sa golden anniversary ng MMFF.
Ang labinlimang iba pa ay ang National Artists na sina Fernando Poe Jr. at Nora Aunor, at sina Dolphy, Vilma Santos, Maricel Soriano, Vic Sotto, Eddie Garcia, Gloria Romero, Amy Austria, Christopher de Leon, Cesar Montano, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Joseph Estrada, at Anthony Alonzo.
Read: Paano pinili ang 16 stars na tampok sa pilot MMFF mural painting?
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
Nang mawalan nang table ang Espantaho group | PEP
NOEL FERRER
Gaano kakaiba ang mga ipinagawa ni Direk Jun Robles Lana kay Vice Ganda sa And The Breadwinner Is…?
“Maraming bago, maraming kakaiba, but we also made sure na it’s still the same Vice, the trademark na Vice Ganda na mahal ng mga manonood natin,” sabi ni Direk Jun.
“Ito pa rin yung makikita pero maraming bago. Maraming challenges na ibinigay kay Meme.
“Nagpapasalamat ako na in-embrace niya lahat ng ginawa namin. And I’m just really excited.
“Isa sa bucket list kong makasama si Meme makagawa ng isang pelikula.”
VICE GANDA ON WORKING WITH JUN LANA
Pahayag naman ni Vice sa karanasang makatrabaho ang multi-awarded writer-director na si Jun Robles Lana, “Napakasaya po! Napakasaya nung karanasan na makatrabaho sila, yung buong IdeaFirst.
“Sinasabi ko nga at ipinagmamalaki ko sa ABS-CBN, parang ito yung pelikula ko na pinakamapayapa mula simula hanggang dulo.
“Yung walang nag-aaway, walang nagagalit, walang direktor na sumisigaw, walang nagmumura, walang nagbabato ng upuan.
“Masaya lang lagi! Tapos… sobrang galing ng grupo nila. Sobra nilang galing, sobra nilang professional. Sobrang loving.
“Sobrang supportive, and that’s what I lack. Parang I was given so much love and support, and I needed that at that time.
“Kasi siyempre, bago ito, e. Bago yung pinapagawa, bagong konsepto, bagong dama. Parang it’s familiar but it’s different.
“So, hindi ko siya comfort zone pero sobra yung pinaramdam nila sa aking suporta at pagmamahal.
“Kaya mukha namang naitawid ko!” bulalas ng Unkabogable Box-Office Superstar.
Vice Ganda with director Jun Robles Lana and co-sar Kokoy de Santos
Photo/s: GORGY RULA
Unang beses kong makausap si Vice kahapon, at napakahusay at ang ayos niyang kausap — na sana, masundan pa ng iba pang pagkakataon.
Good luck sa entry niya sa MMFF 50!
Read: 50th MMFF entries: comedy, drama, action, horror, at musical
GORGY RULA
Masipag si Vice Ganda na mag-promote ng kanyang movie. Nag-iikot siya sa mga probinsya.
Gagawin din niya iyon para sa And The Breadwinner Is…
“Obligasyon ko yun para sa sarili ko, para sa pelikula ko. At para sa Metro Manila Film Fest,” sambit ni Vice.
“Kasi sumasali ako, e. So, pag sumasali ako, I make sure sa mga nakaraang taon, I make sure na kadamay nila ako sa mga gusto nilang i-achieve, di ba?
“Kaisa ako ng Metro Manila Film Fest. Kaya hindi naman sa pagmamalaki, pero hindi siguro ako masisilipan ng Metro Manila Film Fest, sasabihin nilang… hindi ako tumulong sa kanila sa pagpo-promote ng festival mismo, hindi lang ng pelikula ko.
“May sarili akong pa-float sa bawat munisipyo lalung-lalo noong panahon ng pandemya na siyempre limitado ang lahat. Resources and all.
“Sabi ko, ‘Paano ito? Paano…? Paano? Ni hindi masyadong alam ng mga tao na may festival na magaganap sa Pasko.’
“So ako mismo, kailangan kong tumulong. Kailangan ko ring tumayo, at kailangan kong gumalaw.
“Kasi kung hindi, ikalulubog ko din naman yun at ng buong festival na sinasalihan ko, kaya kung ano yung ginagawa ko sa mga past years, gagawin ko pa rin ngayon.
“At baka dagdagan ko pa.”
Co-stars ni Vice sa MMFF 2024 entry niya sina Eugene Domingo, Gladys Reyes, Jhong Hilario, Maris Racal, Anthony Jennings, at Kokoy de Santos.