Vice Ganda reveals exchanging text messages with some Kapuso stars like (inset, from top) Bianca Umali, Ruru Madrid, and Ken Chan.
PHOTO/S: YouTube (GMa Integrated News) / Instagram
Looking forward si Vice Ganda na mas lumawig pa ang relasyon ng Kapuso at Kapamilya stars ngayong “TV war is officially over.”
Mismong si GMA Network Chairman at CEO Felipe Gozon ang nagdeklarang tapos na ang network war nang magpirmahan ang Kapuso Network at Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Ang partnership ay para sa pag-ere ng It’s Showtime sa GTV o Good Television na pagmamay-ari ng GMA-7.
Read:
Vice Ganda on It’s Showtime airing on GTV: “We feel so special.”
Vice Ganda on ‘It’s Showtime’ airing on GTV: “Pinakamatinding plot twist ng taon.”
Nasaksihan ang paglabas ng ilang Kapuso stars sa It’s Showtime noong July 1, 2023, na simula rin ng paglabas ng Kapamilya noontime show sa GTV.
Pagbubunyag ni Vice, mas marami pa sanang GMA stars ang nakatakdang lumabas noong Sabado, subalit kinulang sa oras at preparasyon.
“Marami kaming nakausap na gusto sana naming nakasama sa opening number, and they would love to be part of the production number.
“Pero hindi sila available kasi ang dami ding ganap ng Kapuso stars kaya hindi natuloy.”
Nagsalita si Vice sa Updated With Nelson Canlas sa GMA Integrated News YouTube Channel na umere nitong July 4, 2023.
Read:
Vice Ganda and ‘It’s Showtime’ hosts impressed by Kapuso star Barbie Forteza: “I love her vibe.”
Kapuso stars appear on ‘It’s Showtime’: “Ang saya naman dito!”
VICE GANDA ON KAPUSO FRIENDS
Sinabi ni Vice na malaking hakbang ito para sa dalawang dating mahigpit na magkaribal na media entities.
Ibinunyag din ni Vice na maraming Kapuso stars na naging kaibigan niya ang naghahangad magsama ang mga artista ng magkabilang istasyon.
Kuwento niya, “Alam mo, tuwing may mga pagkakataon na may nakakasama akong Kapuso stars, pinag-uusapan namin yun lagi.
“Yung dream namin na magkaroon ng ball together, tapos sinasabi nila sa akin, ‘Meme, ikaw na kaya mag-start niyan?’
Read more about
Vice Ganda
Kapamilya
“Yung mga ganun. Yung magtatagpo tapos magkakakila-kilala. Tapos makakabuo ng friendship, ng relationship…”
Hindi lang daw kumpiyansa si Vice kung kaya niyang itawid ang ganung kalaking event.
Aminado si Vice na nalilimitahan ang pagkakaibigan ng Kapuso at Kapamilya dahil kulang ang pagkakataong nagkakasama sila.
Sabi pa ni Vice, “Kasi ako, nagkakaroon lang ako ng friends from GMA, kunyari may event, yung mga fashion balls…
“Nagkikita kami sa mga ganyan, o kaya kunwari sa gimikan bigla kaming magkikita. Tapos nagha-hi kami sa isa’t isa.”
Binanggit ni Vice ang Kapuso stars na naging kaibigan niya matapos makasama sa ilang events.
“Dati nga may mga classmate na ako sa mga gimikan, e.
“Si Rocco Nacino, ang tawag sa akin niyan classmate. Kasi dati, nung bagets-bagets pa ako, nagkikita kami sa BGC.
“Tapos sila Ruru [Madrid] tsaka si Bianca [Umali], nagkakasama kami sa mga events, sa mga fashion events, hanggang sa naging friends-friends na kami.
“Nag-uusap kami sa Instagram, sila Ken Chan…”
Laking tuwa raw ang naramdaman nila nang magkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng GMA Network at ABS-CBN.
CONTINUE READING BELOW ↓
Jericho Rosales on Janine: “We really like each other a lot.” | PEP Interviews
“Kaya nga nakakatuwa yung mangyayari na ito, nagti-text-an kami na, eto na, mukhang mangyayari na yung mga iniisip natin.”
ON WANTING TO GUEST KAPUSO STARS
Ikinuwento rin ni Vice na noong ginagawa pa niya ang kanyang late-night talk show na Gandang Gabi, Vice (2011-2020) hinahangad na niyang makapag-guest sa show niya ang GMA artists.
Sa itinagal ng kanyang talk show ay na-interview na raw niya halos lahat ng Kapamilya stars.
May mangilan-ngilang Kapuso stars daw noon ang nakatawid para mag-promote ng kanilang pelikula.
“Pero siyempre, andami ko pa ding gustong makausap na Kapuso stars, ‘tapos ma-interview, makaharutan sa show.”
Hindi raw posible noon “dahil sa network obligations.”
Pero dahil sa nangyayaring collaboration ng GMA-7 at Kapamilya network, ayon kay Vice, “it will be very possible.”