Vice Ganda on issue about ‘no crossdresser policy’ of some establishments: “No-no sa akin yung ‘no crossdressing policy.’ Hindi na puwede yun, ang luma-luma na nung ‘no crossdressing policy.’ Katulad ko, crossdresser ako, pero ‘di nangangahulugan na pag crossdresser ka, you don’t dress up appropriately.”
Muling nagbigay ng pahayag si Vice Ganda tungkol sa pinag-uusapang “no crossdresser policy” diumano ng Valkyrie Nightclub, kung saan isa siya sa mga stockholder.
Nagsimula ito nang mag-post sa Facebook ang fashion designer na si Veejay Floresca tungkol sa hindi kaagad pagpapasok sa kanya sa Valkyrie dahil diumano sa pagiging crossdresser o transwoman niya.
Read: Fashion designer Veejay Floresca cries foul over alleged discrimination at Valkyrie
Ngunit naglabas na ng official statement ang management ng Valkyrie at sinabing hindi nila binabase sa sexual orientation ang kanilang pinapapasok sa establisimyento.
Bahagi lamang daw ng safety policies at guidelines ang hindi nila pagpapasok sa ilang customers.
Read: Valkryie management apologizes to Veejay Floresca; maintains they have nothing against transgenders
Pagkatapos ipakita ni Vice ang kanyang suporta kay Veejay, sa pamamagitan ng kanyang Twitter post, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang comedian-TV host sa studio ng It’s Showtime, kahapon, June 23.
Dito ay inusisa namin siya kung ano ang naging reaksiyon niya nang malaman ang nangyari kay Veejay.
Saad ni Vice, “Siyempre nalungkot.
“Unang-una, kilala ko si Veejay.
“Pangalawa, siyempre bahagi ako ng LGBT [lesbian, gay, bisexual, transgender] community, I felt offended.
“May offense para sa akin yung may ganung pangyayari kaya inalam ko kung ano ang totoong pangyayari, ano ang dahilan kung bakit ‘di siya pinapasok.
“Kinumusta ko si Veejay Floresca, nag-apologize ako personally.
“Tapos kinausap ko yung ilang owners ng Valkyrie para ma-improve nila yung service at relasyon nila sa mga tao nagpupunta dito.
“Happy naman si Veejay.
“Nag-apologize ako sa kanya, tapos sabi niya nag-a-apologize din siya dahil ‘di niya akalain na lalaki nang ganito.
PULLING OUT HIS SHARE. Pinaninindigan ni Vice ang kanyang naunang pahayag na kapag napatunayan niyang ipinatutupad ng Valkyrie ang “no crossdresser policy” ay talagang iwi-withdraw niya ang kanyang share dito.
Read more about
Vice Ganda
“No-no sa akin yung ‘no crossdressing policy.’
“Hindi na puwede yun, ang luma-luma na nung ‘no crossdressing policy.’
“Katulad ko, crossdresser ako, pero ‘di nangangahulugan na pag crossdresser ka, you don’t dress up appropriately.
“Magkaibang bagay kasi yun.
“Hindi na talaga ina-apply yun ngayon, yung ‘no crossdressing policy,’ at pinanindigan yun ng Valkryie na walang ganung policy.
“Nagkataon na may pagpapabaya sa ilang staff kaya nagkaroon ng ganung sitwasyon, pero firm sila na walang ‘no crossdressing policy.'”
Patuloy ni Vice, “Sabi ko, if Valkyrie implements this kind of policy, I will pull out my very small share. Ang liit lang naman ng share ko diyan.
“Naloka din sila very light kaya nung tinanong nila ako, ‘Galit ka ba sa amin?’
“Hindi naman ako galit, sabi ko, pero siyempre may offense din sa akin, pero ‘di ako galit.
“Natutuwa ako nung sinabi nila sa akin na ‘absolutely no crossdressing policy,’ kaya sana pangatawan, kasi ‘di talaga ako papayag.
CONTINUE READING BELOW ↓
Gladys Reyes on husband Christopher Roxas: “Masarap na asawa.” | PEP Troika Talk Ep. 17
“Kung i-implement yung ganung rule, magpu-pull out na lang ako.
“I can’t be part of an organization that does not share the same sentiments and principles.”
YOU CAN’T PLEASE EVERYBODY. Katulad ng kasabihang ‘You can’t please everybody,’ aware si Vice na kung may ilang natutuwa at naa-appreciate ang stand niya sa isyung ito, may ilan din namang kumuwestiyon at negatibo ang naging reaksiyon dito.
“I stood up for them.
“Nakakatawa lang yung iba na nung sinasabi nila, ‘Ano ang stand mo? Bakit wala kang stand? Bakit hindi ka nagsasalita?’
“Unang-una, I can’t say anything or I cannot make a stand about something that I cannot fully understand.
“Di ba, siyempre dapat alam mo yung issue, ano ba ang nilalaban mo. Hindi puwedeng talak ka nang talak.
“Nung nalaman ko yung sitwasyon, then I made a stand. I tweeted about it.
“Ang talak naman ng ibang bakla, ‘Bakit ngayon lang?’
“Ano ba talaga?! Nung walang stand, galit kayo. Nung nag-stand, galit pa rin kayo.
“Damn if you do, damn if you don’t.
“Kaya ako, sa tama, sa tamang proseso.
“At kung para sa akin naniniwala din ako sa ipinaglalaban nila, I will join them.”