Vice Ganda Missing from 2022 Taxpayers List

Vice Ganda explains why he was not included in top celebrity taxpayers list of 2022

Vice Ganda: “I am one of the Top Tax Payers of RDO 38. I was invited sa ceremony nung Feb. 27 pero di po ako naka-attend.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ilang netizens ang nagtaka kung bakit hindi nakasama sa listahan ng top celebrity taxpayers of 2022 ang It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Sa Twitter kagabi, March 10, 2023, isang netizen ang sinagot ni Vice na nagtanong sa kanya kung bakit wala siya sa listahan.

Tanong ng netizen, “I am actually shocked vice ganda was not included sa top taxpayers.”

Tumugon naman dito ang comedian-TV host.

Ayon sa kanya, hindi siya nakasama sa ginawarang top celebrity taxpayers noong nakaraang March 8 dahil hindi niya ito distrito.

Paliwanag ni Vice, “FYI yung nasa news po ay mga top tax payers ng RDO (RegionalDistrictOffice) 39. I am one of the Top Tax Payers of RDO 38. I was invited sa ceremony nung Feb 27 pero di po ako naka attend.”

Sagot naman ng nasabing netizen, nagtaka lamang umano ito kung bakit hindi kasali si Vice dahil inaasahan na umano nitong makakasama ang pangalan ng comedian-host sa top taxpayers list nung March 8.

Aniya, “hello meme, I don’t have any wrong intention sa tweet ko, I was reading the article and I missed na wala ka po sa list na yun. ‘Cause I’m expecting na kasali ka dun. Ibang RDO pala sorry na po”

Saad ni Vice, “Yes po I know naman. Kaya nag FYI lang ako para sa mga nagtatanong din. All good. GV lng.”

Nitong nakaraang March 8, Kinilala at binigyan ng parangal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) regional office ng Quezon City ang top celebrity taxpayers of 2022.

Personal na dumalo sa pagtitipon sina Batang Quiapo star and director Coco Martin, It’s Showtime co-host Anne Curtis, Eat Bulaga! co-host Maja Salvador, at phenomenal love team and real-life couple Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, na kilala rin sa tawag na KathNiel.

Kabilang din sa pinarangalan ng BIR, ngunit hindi nakadalo sa event, sina Vic Sotto, Michael V., Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Liza Soberano, at Willie Revillame.
Read more about

Vice Ganda
top celebrity taxpayers 2022

Bureau of Internal Revenue

Samantala, ilang taon nang napapabilang si Vice—Jose Marie Borja Viceral sa totoong buhay—sa listahan ng Top 500 taxpayers sa Pilipinas.

Noong 2012 ay nasa 137th place siya pagkatapos magbayad ng buwis na P12,025,635 million.

Noong 2013 ay bumaba ang puwesto niya sa No. 228 pagkatapos magbayad ng buwis na P10,571,997.

Noong 2014 naman ay umakyat siya sa ika-132 dahil sa binayaran niyang buwis na nagkakahalaga ng P15,762,986.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News