It’s Showtime host Vice Ganda pokes fun at “pangangatok ng kuwarto” issue on rival program Lunch Out Loud.
PHOTO/S: Kapamilya Channel / TV5
Napag-usapan sa opening number ng It’s Showtime ngayong Huwebes, August 12, ang kontrobersiya sa Lunch Out Loud ng TV5, ang katapat na programa ng noontime show ng ABS-CBN.
Live na napapanood ang It’s Showtime mula sa Clark Free Port Zone buhat pa noong August 9. Naka-lock-in din doon ang hosts at production crew ng programa habang ECQ ang Metro Manila.
Kaya nagpasalamat ang mga host ng programa sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga kababayan natin sa Clark, Pampanga.
Nang tanungin ni Vice Ganda ang kanyang mga co-host tungkol sa magagandang karanasan nila sa Clark, ito ang sagot ni Vhong Navarro: “Kaya lang napansin ko kapag gabi, may mga nanggugulo, nangangatok sa kuwarto. May nagdo-doorbell.”
Dahil sa sinabi ni Vhong, nagkomento si Vice tungkol sa isyu ng pangangatok sa kuwarto sa “kabilang show.”
Aniya, “Huwag kayong nanggugulo at nangangatok ng kuwarto, ha? Nagkagulo na sila dun sa kabilang show, huwag niyo nang gawin dito ‘yan. Hahaha!
“Nabasa ko sa PEP. Nabasa ko na sa PEP kaya mag-behave-behave kayo dito, ha”
Sabi pa ni Vice kay Ryan Bang, “Huwag mo nang ginugulo si Vhong Navarro!”
Ang tinutukoy ni Vice na insidente ng pangangatok ng pinto ay ang pagsasalita ni Robin Sison laban kay Bobet Vidanes.
Si Robin ang dating creative manager ng Lunch Out Loud.
Si Bobet, dating direktor ng It’s Showtime, ang creative producer ng noontime show ng TV5.
Sa exclusive interview ng PEP.ph kay Robin noong August 11, sinabi niyang hindi na ni-renew ng Brighlight Productions, producer ng Lunch Out Loud, ang kanyang kontrata dahil sa akusasyong harassment at isyu ng abuse of authority.
Nagsimula raw ito sa pangangatok niya sa pinto ng kuwarto ng mga female writer ng show sa tuwing nalalasing siya.
Mariing pinabulaanan ni Robin ang paratang laban sa kanya. Naniniwala raw siyang may kinalaman si Bobet sa desisyon ng management na huwag nang i-renew ang kontrata niya dahil hindi siya bata o anak-anakan ng Creative Producer ng Lunch Out Loud.
Read more about
Vice Ganda
Lunch Out Loud
Ayon sa misis ni Robin na si Jo-Ann Sison, nakausap niya ang female writers na sangkot sa insidente.
Pinatotohanan daw ng mga ito na hindi totoo ang mga bintang laban kay Robin dahil inosente ito.
Nanindigan naman ang Brightlight na masusi ang ginawa nilang imbestigasyon sa reklamong harassment at isyu ng abuse of authority laban kay Robin nang siya ay creative manager pa ng Lunch Out Loud.
IT’S SHOWTIME FORMER DIRECTOR
Si Bobet ang ex-director ng It’s Showtime, ang programang iniwanan niya noong November 2020.
Ikinagulat ng mga host ng Kapamilya noontime show ang pag-alis ni Bobet, kaya may mga nag-iisip na ito ang posibleng dahilan kaya binanggit ni Vice ang isyu ng pangangatok ng pinto.
Matapos iwanan ang It’s Showtime, lumipat si Bobet sa Lunch Out Loud ng TV5, ang rival show ng programang pinanggalingan niya.
Noong February 2021, sa kauna-unahang pagkakataon, naglabas si Vice ng saloobin tungkol sa direktor na hindi tumupad sa pangako sa kanila.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Barbie Forteza at Jak Roberto, HIWALAY NA! | PEP Hot Story
Pahayag noon ni Vice, “Tinext ko siya na usap kami para lang maintindihan ko, di ba? Hindi niya ako sinagot.
“Para alam ko man lang or alam man lang natin or isa man lang sa atin ang may alam ng totoong rason. Kasi yung rason, ‘yon yung sinabi niya sa management.
“Pero yung personal, wala naman siyang kinausap sa atin, di ba?
“Nakakagulat lang, parang after 11 years, ganun lang pala iyon. Kung meron man tayong bahagi doon sa dahilan niya para umalis, sana nalaman man lang natin.”
Hindi itinanggi ni Vice na nasaktan siya sa ginawa ni Bobet.
“ Ang plastic kapag sinabi kong hindi ako na-offend. Naloka din ako, ano yun, ganun lang? Walang sabi-sabi? After 11 years?
“Nanggaling pa yun sa anniversary na meron pa tayong mga chikang walang iwanan kahit anong mangyari.
“Sa opening, di ba, may ganun tayo? Tapos a few days after the anniversary, biglang maririnig ko. Anong nangyari sa pangako?”