Vice Ganda on cash prizes for online game show Prize Ganda: “Inaantay ka ng PRIZES worth 100,000.00. Kaya wag ka ng ngumanga!!!”
PHOTO/S: @praybeytbenjamin Instagram
JERRY OLEA
“Porshur na porshur na talaga!”
Paninigurado iyan ni Vice Ganda sa launch ng The Vice Ganda Network this weekend.
“Bongga to promise! Pero di ka makakawatch kung di ka registered. Di ka din makakasali sa games. So di ka mananalo.
“Kaya di ka sasaya kung di ka registered. Ang saklap kung di ka registered. Ang chaka mo kung di ka registered! Kaya magregister ka na!” tweet ni Vice Ganda nitong Agosto 13, Huwebes ng gabi.
Pinaghiwalay na ang dalawang payanig ng The Vice Ganda Network.
Agosto 14, Biyernes ng 9:00 p.m., ang Prize Ganda: Ang Online Palarong Pangmadla.
Agosto 15, Sabado ng 10:00 p.m., ang talk show na Gabing-Gabi Na, Vice.
Babawi si Meme bago sumapit ang Ghost Month (Agosto 19-Setyembre 16)!
Tweet ni Vice noong Agosto 12, Miyerkules, “Inaantay ka ng PRIZES worth 100,000.00. Kaya wag ka ng ngumanga!!! Register na para chugug!!!”
Sa kalakip niyong artcard, may paalalang ang mga nag-register before July 31 ay hindi na kailangang jumuliet-juliet pa.
Tweet pa ni Vice, “Register na para maka-achieve ng Good Vibes at Cash Prizes. Daliiii!!! G na G na to!!!! Sa mga nakaregister na dati keri na yun kaya kalma na kayo.”
Noong Hulyo 24, Biyernes, pa sana ang launch ng The Vice Ganda Network, kung saan mahigit 100,000 ang registrants sa loob ng tatlong araw.
Back-to-back sana ang chugug-chugug that night ng Prize Ganda (9:00 p.m.) at Gabing-Gabi Na, Vice (10:00 p.m.).
Guests ni Vice sa Prize Ganda ang Gold Squad nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Garcia, at Kyle Echarri. Makakachikahan naman sana ni Vice sa GGNV sina Angel Locsin at Bea Alonzo.
Kaso, nag-crash ang website. Hindi kinaya ang powers ng little ponies at madlang people.
NOEL FERRER
Everything is digital! Ang napakalaking bituin sa pelikula at telebisyon na tulad ni Vice Ganda ay magbe-venture na sa digital program via Viva.
Read more about
vice ganda network
Ito na kaya ang bagong trend ngayon? Magandang malaman kung dito na rin ba magta-transport ang advertisers.
Paano na ang nakasanayang TV ratings? Marami tayong bagong matututunan sakaling maging successful ang bagong media platform na ito.
Again, hindi personality or celebrity kundi content is king!
Talagang nakipagsabayan si Vice Ganda sa paglunsad ng bagong shows ng TV5.
Patunay ba itong kahit walang offer daw ang TV5 sa kanya ay kayang-kaya niyang magpatayo ng sariling show?
Pero dapat talagang ituloy na ito ni Vice dahil kung patatagalin pa niya, baka makalimutan na siya.
Sa recent FB live ni Vice Ganda, nakita na umabot ng mahigit 50,000 ang live viewers.
Bago matapos ang taong ito, magkakaalaman kung sinu-sino ang namamayagpag online.
Tiyak na lalaban ang comedian-TV host sa pagiging Online King or Queen ba?