Vice Ganda (in photo) on Arnell Ignacio’s comment that his show Gandang Gabi Vice “disrespected” the Boys Scouts of the Philippines: “Doon lang ako sa masaya.”
PHOTO/S: Noel Orsal
Ayaw nang patulan ni Vice Ganda ang komento ni Arnell Ignacio tungkol sa diumano’y paglapastangan ng palabas niyang Gandang Gabi Vice (GGV) sa Boy Scouts of the Philippines dahil sa dalawang batang bading, na nakasuot ng uniporme ng Boy Scouts, na pinagsayaw sa kanyang programa.
Nangyari ito sa September 22, 2019 episode ng GGV, kung saan panauhin ang Boy Scouts na sina Dave Salvador at Renz de Leon ng Isabela, na nag-viral ang video nilang humahataw ng sayaw habang nasa camping.
Pahayag ni Arnell: “Okay na nga yung bakla, e. Wala naman akong isyu dun, e.
“Pero yung paggalang mo naman sa uniporme ng Boy Scouts, ‘tapos sasayaw ng the usual na…
“Parang yung sinasabi ko lang, wala na tayong tinitira na… kahit na anong institusyon, konsepto.
“Iilan na lang ‘yan, e. Puwede ba nating i-spare na lang ‘yan?”
Ayon sa Unkabogable Star, hindi niya nabasa ang pahayag ni Arnell tungkol sa kanyang programa.
“Hindi din. Oo, doon lang ako sa masaya.
“Alam mo, lagi mo ‘yang tinatanong sa akin, importante ba ‘yan talaga?” sabi ni Vice nang makausap siya ng PEP.ph sa launching ng bago niyang endorsement, ang Cherry Prepaid, na ginanap sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City, Lunes ng gabi, October 14.
Bago ito, inusisa na ng PEP.ph ang It’s Showtime host tungkol dito sa presscon para sa ika-sampung anibersaryo ng noontime show nila noong September 30.
Pero sabi ni Vice noon, hindi siya makapagkomento dahil hindi raw niya alam ang isyu tungkol rito.
“BAHAGI TAYO NG MUNDO”
Isa si Vice ngayon sa mga miyembro ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community na masuwerteng pinagkakatiwalaan ng brands at kumpanya na mag-endorso ng kanilang mga produkto.
Read more about
Vice Ganda
Ano ang masasabi niya rito?
Tugon ng TV host-movie star, “Maganda kasi bukas na bukas yung puso, hindi lang mata, bukas na yung puso ng mga tao sa pagtanggap na nandidito tayo at may value tayo at bahagi tayo ng mundo.”