Vice Ganda to hold digital comedy concert

Dahil hitik sa bunga, madalas pukulin ng isyu si Vice Ganda. Pero kung bunga nga si Vice, anong klaseng bunga siya? Sagot ni Vice, “Gusto ko maging prutas ako para makain ako kasi masarap magpakain. So, gusto kong makain. Kasi yung bulaklak, hahawakan mo lang, tapos bibitawan mo na rin, di ba? Aamuyin mo lang. Ayoko nang inaamoy lang ako. Gusto ko kakainin ako.”
PHOTO/S: @viceganda on Instagram

Ang mapasaya ang mga tao sa gitna ng coronavirus pandemic ang pangunahing dahilan ni Vice Ganda kaya magkakaroon siya ng grand digital comedy concert sa July 17.

Ito ay pinamagatang Gandemic: Vice Ganda, The VG-Tal Community Party Concert.

Bilang paghahanda para sa Gandemic, pinanood ni Vice ang mga nakaraang digital concerts nina Daniel Padilla, Regine Velasquez, at Sarah Geronimo para magkaroon siya ng idea.

“Talagang pinanood ko yung mga recent concert nina Daniel, Regine, Sarah kasi wala akong idea how these digital concert happens. Wala akong idea kung paano ginagawa itong mga digital concert.

“May conscious effort ako na manood at bantayan yung ganap para may idea ako.

“Yung show ko naman is different, very different from the concerts of singers, kasi hindi naman talaga ‘yon ang strength ko.

“Hindi ako super sing, hindi naman ako super dance,” pagtatapat ni Vice sa virtual mediacon ng Gandemic na naganap ngayong Biyernes ng hapon, May 7.

10% MUSICAL, 90% COMEDY

Hindi magsisisi ang mga nagbabalak manood ng digital concert ni Vice dahil sa pangakong binitiwan nitong tatawa nang todo at magiging maligaya ang kanyang audience.

“Ang bentahe nitong concert ko, musical siya, may mga kanta, may mga saya, pero ang 90 percent niya is comedy.

“Na ‘yon ang hindi kine-cater ng ibang concerts or performances or events ng karamihan.

“Kasi mostly, they are singers, they sing, they do beautiful production numbers, pero hindi sila nagpapatawa.

“Ang magpapatawa, kung meron silang komedyante na guests, very minimal yung comic relief.

“Ito talaga, not so much of the songs and the dances, kasi ibinibigay na ng iba ‘yon.

“Ako, ibibigay ko ang strength ko, super patawa, at yun ang gusto ko i-make sure talaga.

“Kailangan grabeng patawa ito dahil ito yung kailangan nila, di ba?”

Patuloy ni Vice, “Marami ang kumakanta, marami ang magagaling na singers, madami ang magaling sumayaw.
Read more about

Vice Ganda

“Pero yung comedy concert, once in two years ‘yon, kasi ako lang naman ang nagko-comedy concert.

“And I promise to make sure na sobrang nakakatawa itong gagawin namin.

“Yun ang gusto kong maramdaman ng mga tao. For one night, in a span of two hours, makalimutan lang nila yung mga nangyayaring hindi maganda sa paligid.

“Huminga lang tapos tumawa lang. Gusto ko tumawa lang sila nang tumawa kahit dalawang oras lang.

“Kasi they don’t usually experience that every day now. Tumawa lang, sandali lang. I will make sure ibibigay ko ito sa kanila, two hours of joy.”

VICE ganda’S GUESTS

Si John Prats ang direktor ng Gandemic samantalang sina Ice Seguerra, Jake Zyrus, Moira dela Torre, at Anne Curtis ang nasa listahan ng mga special guest ni Vice.

Pero may mga pagbabagong mangyayari dahil napalitan ang streaming date ng kanyang digital concert.

“Originally, ang mga pinlano namin, Ice, Jake Zyrus, kasi gusto ko ng LGBT pink number na masaya.

CONTINUE READING BELOW ↓

WATCH: Shira Tweg and Khai Flores on PEP Live

“Nung una, si Ice nag-confirm. Tapos si Jake, inaayos yung schedule. Tapos si Moira, nag-confirm din, tapos si Anne Curtis.

“‘Yon yung original na plano. Pero since na-resked yung date, hindi pa namin alam kung sino yung magko-confirm ulit. Sana makuha ulit namin sila.

“Gusto ko sana live [ang show]. Kaya lang, since ang sabi ni Direk Pratty, ‘Alam mo naman ang Internet sa Pilipinas at saka hindi pa natin masyadong gamay lahat ng itong digital concert, baka magkaroon ng aberya, nakakahiya sa mga taong magbabayad kung biglang mapuputol. So, mas maganda na i-tape as live tapos saka natin ipalabas.’”

ANONG KLASENG BUNGA SI VICE?

Gaya ng isang puno na hitik sa bunga, pinupukol si Vice dahil sa kanyang successful showbiz career. Kaya may nagtanong sa mediacon ng Gandemic kung anong klase siya na bunga.

Sagot ni Vice, “Yung bunga, it’s either bulaklak ka o prutas ka. So, ayoko ng bulaklak.

“Gusto ko maging prutas ako para makain ako kasi masarap magpakain. So, gusto kong makain.

“Kasi yung bulaklak, hahawakan mo lang, tapos bibitawan mo na rin, di ba? Aamuyin mo lang.

“Ayoko nang inaamoy lang ako. Gusto ko kakainin ako.

“Kung pipitasin mo na rin lang ako, kainin mo na rin ako so gusto kong maging prutas.”

Sabi pa niya, “Kung anuman klaseng prutas ‘yan, yung ano… gusto ko yung malaking prutas para mas maraming makinabang, katulad ng pakwan.

“Yung puwede mo akong hati-hatiin at kung may matira pa, puwede mo pang i-shake the second time, the next day.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News