Vice Ganda clarifies his friendship with Kris Aquino bears no political color. He says, “Never, ever. Yun ang kagandahan sa aming dalawa ni Kris, hindi namin direktang iniimpluwensiyahan ang isa’t isa. Mas ano pa nga ako dun, e, mas maudyok ako, binubuwisit ko siya.”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Vice Ganda kung sino ang iboboto niya sa 2016 presidential elections.
So far, ang mga nagpahayag na ng kanilang intensiyong tumakbo para sa pinakamataas na katungkulan sa Pilipinas ay sina Vice President Jejomar Binay, Secretary Mar Roxas, at Senator Grace Poe.
Maging ang mga nanliligaw raw sa kanya para iendorso ay wala pa ring desisyon o napipili si Vice.
Pahayag ng comedian-TV host, “Gusto ko sana si [Rodrigo] Duterte, pero di naman siya tatakbo.
“E, hindi ko pa alam… nag-iisip-isip pa ako.”
Paglilinaw pa ni Vice, “Teka, ano ba ang tanong? Kung sino ang iboboto o ieendorso ko?
“Kasi yung iboboto ko, madali lang yun, kasi sa sarili ko lang.
“Pero yung i-endorse ko na mang-iimpluwensiya ng ibang tao, kailangang pag-isipan.
“Kasi yung iboboto ko, magkamali man ako, wala namang ibang ano, di ba?
“Pero yung mang-impluwensiya ka, kailangan ko talagang pag-isipan.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice noong Biyernes, September 18.
KERI BEKS. Aminado si Vice na may mga kumausap na sa kanyang pulitiko para sumama sa campaign sorties ng mga ito.
“Meron na din, pero hindi ko pa rin talaga masagot ngayon, hindi ako decided.”
Ang Liberal Party candidate na si Mar Roxas, hindi ba niya naisipang iendorso?
Saad ng It’s Showtime host, “Hindi ko pa rin masagot.
“Okey kami ni Korina [Sanchez, Mar’s wife], mabait sa akin yun… pero di kami close.”
Lumabas ang isyu na si Secretary Roxas ang susuportahan ni Vice dahil sa pagdalo niya sa “Keri Beks 1st Gay National Congress” na ginanap sa Araneta Coliseum noong Agosto.
Ang broadcaster at asawa ni Mar na si Korina Sanchez ang nag-organisa ng isa sa pinakamalaking pagtitipon na ito ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) community.
Kuwento ng 39-year-old comedian, “Muntik pa nga magkaproblema yung Keri Beks ko.
Read more about
Vice Ganda
“Kasi nung sinabi sa amin na may gay event, of course, kung gay event yun, I had to be there.
“Kung baklaan, pupunta ako dun.
“Baka sabihin ng mga bakla, ‘Nasaan ang bakla ng Pilipinas, ba’t wala dito?’
“Kaya in-offer ko,‘Di sige, go.’ Sabi ko pa nga magpe-perform ako.
“Tapos nagkabagyo, na-reschedule, sabi ko, ‘Kailan na ang date?’
“Nang sabihin sa akin, ‘Teka,’ sabi ko, ‘di ba, after two days ‘yan after i-announce si Mar [bilang presidential candidate]?’
“Baka magkaproblema ako sa politika, baka magmukhang ano ‘yan, endorsement o political rally.
“Sabi, ‘Hindi, baklaan pa rin ito, this has nothing to do with Mar.’
“Sabi ko, ‘Di sige, baklaan ‘to, walang banggitan ng pangalan, walang ano. I will be there for the beks, not for anyone.’”
SISTERHOOD. Lumabas din ang isyu ng pag-endorso umano ni Vice kay President Noynoy Aquino noong 2010 presidential elections, dahil malapit na kaibigan niya ang bunsong kapatid nitong si Kris Aquino.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Vice Ganda gets Special Jury Citation award from 50th MMFF
Paglilinaw ni Vice, “Hindi ko in-endorse [si PNoy]…. hindi pa kami ganun ka-close [ni Kris].
“Hindi nga ako kasama sa grupo ng mga artistang nag-endorse nun, e.
“Hindi pa ako nun… wala pa ‘atang It’s Showtime nun o pasimula pa lang.
“At hindi naman ‘ata magma-matter nun kung sino ang in-endorse ko nun, walang bearing ang mga salita ko nun.
“Hindi ko alam, pero nung mga panahong yun, wala namang lumapit para magpa-endorse.”
Kahit ngayon daw ay walang sinasabi sa kanya si Kris na suportahan niya ang lineup ng administrasyon sa 2016.
“Never, ever.
“Yun ang kagandahan sa aming dalawa ni Kris, hindi namin direktang iniimpluwensiyahan ang isa’t isa.
“Mas ano pa nga ako dun, e, mas maudyok ako, binubuwisit ko siya.”