Vice Ganda willing to take risks for another chance on love

Vice Ganda on falling in love: “I still want to experience the same happiness I had when I was so in love. E, kesa naman sa umiiyak ka ngayon dahil hindi ka in love, maganda na yung umiyak kasi kasi na in-love ka.”

Handa pa rin daw umibig muli si Vice Ganda, 42, kahit ilang beses na siyang nasaktan.

“I’m willing to take the risk.

“Kasi ako, I believe, if it’s about love, it’s worth it,” pahayag ng Kapamilya star sa episode ng programa niyang Gandang Gabi Vice nitong Linggo, September 2.

May mga takot ba siya o trauma sa mga nabigong relasyon?

Saad ni Vice, “Hindi naman trauma. I fear, of course, pero I’m still willing to take the risk.

“I still want to experience the same happiness I had when I was so in love.

“E, kesa naman sa umiiyak ka ngayon dahil hindi ka in love, maganda na yung umiyak kasi kasi na in-love ka.”

Sa kabila raw ng failed relationships niya, sinisikap ni Vice na huwag kalimutan ang mga magagandang alaala kasama ang mga naging boyfriend niya.

“Nakaka-recover, pero I don’t easily forget. I choose not to forget.

“I want to bring them with me all the time and, wherever I go, I want to bring the memories.

“Pag naaalala ko, napapasaya pa rin ako kahit alaala lang.”

Bagamat may ilang mga personalidad na na-link kay Vice, wala siyang direktang tinukoy kung sino ang talagang nakarelasyon niya sa mga ito.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News