What Smugglaz admires most about Batang Quiapo star Coco Martin

smugglaz

Rap artist/actor Smugglaz on what he admires most about Batang Quiapo star Coco Martin: “Sa totoo lang po, si Coco Martin ay napaka-propesyunal na tao, pero bukod dun na para siyang sundalo talaga kumilos ay napakabait niya din po off-cam.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Bagong kanta na ni-release ng rapper/TV actor na si Smugglaz ang “Piging.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment) si Smugglaz kung ano ang inspirasyon sa kanta niyang ito at kung paano ito nabuo.

Lahad niya, “Unang-una po siyempre ang aking birthday, dahil kaarawan ko din po bukas.

“Bukod po sa birthday ko, ginawa ko itong kantang ito na parang gusto kong maging soundtrack siya sa buhay din ng ibang tao.

“Kumbaga, soundtrack nila pag nandun na din sila, at pasasalamat dahil sa dami ng nangyayari nandito pa din sila, still standing.

“Sa paglipas ng panahon maraming nagbabago, mga changes, may mga kasamahan tayo na nawawala, may mga pumapalit, but still nandito pa din tayo.

“Ayun, kaya para sa akin itong kantang ‘to is just a celebration of life, ng journey po, ng success, ganun po.”

Nangyari ang panayam noong July 20, 2024, sa Holic Bar sa T. Morato Ave., Quezon City. Ang kaarawan ng rapper ay nong July 21.

“Siyempre long life, more music at siyempre mas masaya pang… happy life,” bulalas ni Smugglaz, “long and happy life and more music at long career pa.”

Read:

Trapsoul artist Because, umaasang ma-appreciate ng marami ang kanyang musika

Smugglaz

Photo/s: Rommel Gonzales

SMUGGLAZ THANKFUL FOR REVITALIZATION OF LOCAL MUSIC INDUSTRY

Read more about

Smugglaz
batang quiapo
Coco Martin

Halos bumalik na nga ang normal na sitwasyon matapos magtuluy-tuloy na bumaba ang mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Ano ang nararamdaman ni Smugglaz na buhay na buhay na muli ang industriya ng musika na isa sa nasalasa ng pandemya noong taong 2020?

Aniya, “Sobra po akong nagpapasalamat, sobra akong grateful, kasi ramdam na ramdam ko po iyan, e!

“Kasi nung pandemic yung mga entertainers ang talagang unang pinaka tinamaan, lalo na ang mga trabaho namin sa gabi, pag-entertain sa mga probinsiya, sa mga events.”

SMUGGLAZ LOOKS BACK ON LIFE DURING PANDEMIC YEARS

Nagkataon naman na ng panahon ng pandemya ay nasa cast ng Ang Probinsyano ni Coco Martin si Smugglaz

Kuwento niya, “Sa pagkakaalam ko Ang Probinsiyano ang unang-unang nag-taping nung pandemic. Sila yung parang gumawa ng protocol ng lock-in na ginaya na ng iba.

“So nung pandemic lock-in kami, sobrang ibang journey din yun kasi isang buwan kaming magkakasama, dun sinisingit-singit ko naman yung paggawa ng mga kanta.

“At ang kagandahan naman, pag rapper ka kasi salangan mo lang ng beat, camera, kayang-kaya na naming maka-produce ng music.

CONTINUE READING BELOW ↓

Black Nazarene Traslacion 2025 | PEP Hot Story

“Kaya nung panahon ng pandemic, ang daming mga online challenges na nauuso, mga rap online na nagpasigla pa din sa hiphop, kumbaga nagkaroon ng buwelo

“Yung two years na pandemic na yun, dahil sa online… gumalaw kami sa online, yung mga vloggers, mga musicians, kumbaga nagkaroon ng panibagong era. e.

“Pagkatapos na pagkatapos ng pandemic, nung nabuksan na uli yung mundo para sa mga events, ayan na, may mga bago ng mga artists, may mga bago ng influencers.

“Parang nag-switch talaga siya, para tayong na-reset after ng two years na yun.

“Kaya sobra po akong grateful na ngayon pupuwede na, na nakakapagsama-sama na tayo kasi naabutan ko yan e, yung social distancing.

“Na magpe-perform ka ang layo ng tao, magpe-perform kami sa TV tapos may face shield, sabi ko, ‘Paano yung mic?’ Nasa ilalim ng face shield.

“Sobrang ang ginhawa na ngayon. Alam mo yung para kang hindi makahinga noon tapos bigla kang nakakuha ng hangin, so talagang sinusulit po namin ngayon.”

Read:

https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/171113/coco-martin-probinsyano-stars-batang-quiapo-a4118-20230125-lfrm

Coco Martin and Julia Montes reel-to-real romance: A timeline

SMUGGLAZ ON WORKING WITH COCO MARTIN

Six years siyang naging bahagi ng Ang Probinsyano at ngayon nga ay nasa Batang Quiapo si Smugglaz bilang si Kidlat. Base sa kanyang naging karanasan, paano katrabaho si Coco?

Pagmamalaki niya, “Sa totoo lang po, si Coco Martin ay napaka-propesyunal na tao, pero bukod dun na para siyang sundalo talaga kumilos ay napakabait niya din po off-cam.

“Kasama din po namin siya sa mga happenings, sa mga harutan, sa mga kuwentuhan ng mga kung anu-ano lang, mga kuwentuhang kanto, nakikisama din siya diyan.

“Marunong siya, pero ang pinakagusto ko po kay Coco Martin ay pag trabaho talaga is trabaho talaga.

“Pinaghihiwalay po niya iyan, yung may oras tayo para dito, may oras naman sa trabaho.”

Ano naman yung sinasabi ni Smugglaz parang sundalo si Coco?

“Kasi po talagang si Coco Martin, e, never nale-late, at pag nandun na kami sa set dapat naka-ready na kami, lalo na nung mga scenes amin na nagpulis kami.

“Kasi sobrang ang daming abubot, kailangan may baril kami, kailangan kumpleto yung uniform ng pulis, dahil nire-represent namin ang PNP [Philippine National Police].

“Bawal ang sloppy-sloppy na pagsusuot, so talagang check, check, check, talagang ganun kami, snappy po talaga.

“Talagang na-i-apply din namin siya, yung character namin, kung paano kami nakikipagtrabaho kay Coco Martin.

“Kasi talagang nakita namin isinapuso niya yung pagiging pulis nun e, naging sundalo kami, naging Presidential Task Force kami dun sa Ang Probinsiyano, talagang niyakap namin yung role nun.”

Dating napapanood ni Coco ag mga videos ni Smugglaz kaya kinuha siya para sa Ang Probinsiyano at Batang Quiapo?

“Yes po,” wika pa ni Smugglaz.

Bukod sa “Piging” ay si Smugglaz ang kumanta ng mga hit songs na “Pilosopo,” “Samin,” “ThePakyuSong,” “Bat Maangas Ka,” at marami pang iba. Nakasama rin siya sa sikat na kanta ni Vice Ganda na “Karakaraka.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News