First commercial ng panganay ni Andi at Jake na si Ellie, viral

First commercial ng panganay ni Andi at Jake na si Ellie, viral

First commercial ng panganay ni Andi at Jake na si Ellie, viralPHOTO : Ellie and Jake Ejercito Jollibee commercial

Usap-usapan ngayon sa social media ang first tv ad o tv commercial ng panganay na anak nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na si Ellie.

Maraming netizens ang natuwa sa latest tv ad ng Jollibee dahil kabilang dito ang mag-ama na sina Jake Ejercito at Ellie Ejercito.

Hindi lingid sa marami na maayos ang co-parenting nina Andi at Jake sa pagpapa-laki kay Ellie, kaya naman tila kinilig ang mga netizens sa first ever tv ad ni Ellie dahil magka-sama pa sila ng kanyang ama na si Jake.

Ayon sa netizens tila may pinaghalong Andi at Jake ang looks ni Ellie habang siya ay nagdadalaga, may mga netizen rin ang napa-komento kung okay ba kay Andi na pumasok si Ellie sa mundo ng showbiz.

Andi Eigenmann, ayaw ipasok si Ellie sa showbiz

Kung ating babalikan, inamin ng ina ni Ellie na si Andi Eigenmann na ayaw niyang pumasok sa showbiz ang kanyang anak.

Sa panayam kay Andi ni Tito Boy sa ‘Tonight With Boy Abunda’ 9 years ago, inamin ni Andi na ayaw niyang pumasok sa showbiz si Ellie.

Ani Tito Boy : “Siguro hindi maiiwasan na isang araw, kung sasabihin ng iyong anak na ‘Mom I want to be an actor, I want to be an actress’.

Sagot ni Andi : “Owhhh no!, ayaw ko…”

Tanong ni Boy kay Andi : “Why not?”

Sagot ni Andi : “I love the industry that Im belong in, but ahmm… wag nalang kasi.. It’s not that easy.. everybody knows that.. and pwedi nalang siya maging doctor.”

Ang panayam na ito ni Andi Eigenmann ay taong 2015 noong kakatapos lang mag-celebrate ni Ellie ng kanyang 4th birthday, pero hindi pa naglalabas ng update si Andi kung sa kasalukuyan ay pumapayag na siyang pumasok ang kanyang anak sa mundo ng showbiz.

Sa kasalukuyan ay masayang namumuhay ang aktres na si Andi Eigenmann sa probinsya ng Siargao kasama ang kanyang soon to be husband na si Philmar Alipayo.

Nakatakda sana silang ikasal noong 2024 ngunit ito ay na-postponed dahil sa biglaang pagpanaw ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News